24/09/2026
Advocating for a School Active Shooting Prevention Program for Eastern Visayas.
Campus Security is a shared responsibility.
https://www.facebook.com/share/p/19JbhJs5tp/
RPOC-8, ITINUTULAK ANG MAS MAAGANG PAG-IWAS SA KARAHASAN SA MGA PAARALAN
Itinutulak ng Regional Peace and Order Council-8 (RPOC-8) ang mas maagap na pag-iwas sa karahasan sa mga paaralan sa pamamagitan ng maagang pagtukoy sa mga banta at panganib.
Sa third quarter meeting ng konseho, sinabi ni Hands Off Our Children Inc. Eastern Visayas Chairperson retired Lt. Col. Mario Jose Chico na mahalagang palakasin ang koordinasyon ng mga paaralan, pulisya, magulang at komunidad upang maagapan ang posibleng insidente.
Binigyang-diin naman ni RPOC-8 Chairperson at Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang pagpapalakas ng school safety measures at community-based interventions, habang nananatiling handa ang pulisya sa agarang pagresponde sa anumang insidente.