All U.P. Academic Employees Union - Tacloban Chapter

Directions

All U.P. Academic Employees Union - Tacloban Chapter This is the official page of the All U.P.

Academic Employees Union - Tacloban Chapter, the sole, recognized representative of research, extension and professional staff (REPS) and faculty in UPV Tacloban College.

Ha World Teachers’ Day, diri la pagpasalamat an angay ihatag ha mga magturutdo—kundi dugang nga sweldo, igo nga benepisy...
05/10/2026

Ha World Teachers’ Day, diri la pagpasalamat an angay ihatag ha mga magturutdo—kundi dugang nga sweldo, igo nga benepisyo, ngan mas dako nga suporta ha edukasyon.

An dignidad han magturutdo kinahanglan makita ha dignidad han iya trabaho ngan panginabuhi.

Maupay nga World Teachers’ Day! Padayon ha pagtutdo, pagserbisyo, ngan pakigbisog para ha aton mga katungod! ✊📚

All U.P. Academic Employees Union

✊✊✊
26/09/2026

✊✊✊

UP PRESIDENT ANGELO JIMENEZ, ISULONG ANG DEMOKRATIKONG PAMAMAHALA SA UP, IPAGTANGGOL ANG KARAPATAN AT KAPAKANAN NG MGA RANK AND FILE EMPLOYEES

Tatlong Tsanselor ang muling itinalaga ng Board of Regents sa katatapos nitong pulong sa UP Diliman noong Setyembre 24, 2026. Muling maninilbihan bilang mga Tsanselor ng UP Los Baños si Jose Camacho, ng UP Manila si Michael Tee, at ng UP Visayas si Clement Camposano.

Sa kanilang muling panunungkulan, mahalagang tiyakin na ang pamamahala sa kani-kanilang Constituent University ay nakabatay sa demokratikong proseso, paggalang sa karapatan, at tunay na paglilingkod sa mga sektor ng Unibersidad. Kabilang dito ang pagkilala sa mahalagang ambag ng mga rank and file employees, ng mga kawani, REPS, g**o, at iba pang manggagawa, lalo ng mga kontraktuwal na kabahagi sa pagpapatakbo at pagpapaunlad ng Unibersidad ng Pilipinas bilang isang akademikong institusyon.

Ang kapakanan at kagalingan ng mga empleado ay hindi dapat maisantabi sa anumang sistema ng pamamahala. Dapat igalang at pangalagaan ng UP ang ating mga karapatan sa makatarungang pagtrato, malayang pagpapahayag, pakikilahok sa mga usaping may direktang epekto sa ating trabaho, at pagkakaroon ng karapatan na makibahagi sa proseso ng pagpili sa mga susunod na administrador. Ito ang ubod ng demokratikong pamamahala sa U.P.

Nitong nakaraang araw, nakatanggap ang ating unyon ng mga ulat hinggil sa mga insidente ng intimidasyon, pananakot, at harassment na nararanasan ng mga empleado sa ilang Constituent Universities. Ibinahagi ng mga karaniwang empleado ang kanilang mga karanasan hinggil sa pagyurak sa kanilang kalayaang magpahayag at pagmamaliit sa kanilang mga karapatan.

Nais nating ipaalala kay Pres. Angelo Jimenez na wala dapat lugar sa Unibersidad ng Pilipinas ang intimidasyon, bullying, harassment, at anumang uri ng pananakot ng mga may administratibong posisyon laban sa mga karaniwang empleado at unyonista ng pamantasan. Ang pagiging administrador ay isang pananagutan sa pamantasan at bayan. Hindi ito dapat gamitin upang supilin, takutin, o hadlangan ang mga empleyado na ipahayag ang kanilang mga hinaing, panawagan at pananaw sa mga isyu sa loob at labas ng pamantasan.

May mga ulat din hinggil sa mga papeles at dokumentong hindi umuusad o matagal ang pag-usad sa mga opisina, mabagal na pagtugon sa mga usapin kaugnay ng grievance mechanism at hindi agarang pag-aksyon sa mga apila at hinaing ng mga g**o, kawani, at REPS kaugnay ng promosyon, benepisyo, at iba pang usaping may direktang epekto sa ating trabaho at kabuhayan.

Ang mga ganitong kalagayan ay nangangailangan ng seryosong tugon mula mismo sa pamunuan ng Unibersidad. Ang isang demokratikong pamantasan ay hindi lamang nasusukat sa mga polisiya nito kundi sa paraan nang maayos na pakikitungo sa kalakhang ng mga empleadong bumubuo at nagpapatakbo sa ating institusyon.

Mahalagang maramdaman ng bawat empleado na ang kanilang mga hinaing ay naririnig at tinutugunan. Malagang makita ng mga rank and file employees na ang kanilang mga karapatan ay iginagalang, at ang kanilang mga reklamo ay inilalatag sa isang patas, epektibo, mabilis, at walang pangamba sa anumang uri ng retalyasyon ng isang administrador.

Dapat ding tiyakin na walang empleado ang matatakot magsalita, maglahad ng hinaing at magpahayag ng posisyon sa mga usapin sa loob at labas ng pamantasan. Ang malayang pagpapahayag at pakikilahok sa mga proseso ng Unibersidad ay mahalagang bahagi ng isang ligtas at demokratikong lugar ng paggawa at akademikong institusyon.

Hindi dapat maging dahilan ang naging posisyon o tindig ng isang empleado sa mga nakaraang proseso ng pagpili o pagtatalaga ng mga administrador upang siya ay gipitin. Sa halip, dapat tiyakin ni Pangulong Jimenez, bilang isang abugado at labor lawyer, na ang lahat ng empleado ay pinakikitunguhan nang may dignidad at walang diskriminasyon o pagganti dahil sa kanilang lehitimong pakikilahok sa demokratikong proseso sa pamantasan.

Ang Unibersidad ng Pilipinas ay dapat maging ligtas na espasyo para sa lahat. Ito ay marapat maging isang lugar kung saan malayang naipapahayag ang mga saloobin, malayang nagkakaroon ng palitan ng mga ideya, perspektiba, tindig, at mga pananaw. Marapat na may puwang para sa kritisismo at palitan ng ideya na walang pananakot o panggigipit, partikular sa mga karaniwang empleado. Sa ganitong paraan lamang matitiyak na tunay ngang buhay ang diwa ng demokratikong pamamahala sa UP.

Walang lugar dapat sa UP ang anumang anyo ng panlalait, pagbabanta, harassment, o hate speech laban sa mga empleado, lalo na kung nagmumula sa mga administrator. Ang panandaliang posisyon na ipinagkatiwala sa mga administrador ay dapat gamitin upang protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga empleado, hindi upang hadlangan ang mga ito.



Statement of the All U.P. Academic Employees UnionOn the Elevation of UP Tacloban College as the 9th Constituent Univers...
04/06/2026

Statement of the All U.P. Academic Employees Union
On the Elevation of UP Tacloban College as the 9th Constituent University of the UP System

May 27, 2025

Pagbati at Pagpupugay!

The All U.P. Academic Employees Union (AUPAE Union) Tacloban Chapter joins the entire UP Tacloban community in celebrating a historic milestone: the official elevation of the University of the Philippines Tacloban College (UPTC) as the 9th Constituent University of the UP System, as approved by the UP Board of Regents during its 1409th meeting held today, May 27, at the Asian Institute of Tourism, Diliman, Quezon City.

After 53 years of dedicated service to Eastern Visayas and the country, this recognition is both timely and deeply significant.

We celebrate this achievement as what it truly is — a collective victory of the workers of UP Tacloban, past and present.

This milestone stands on the labor, dedication, and sacrifice of every worker who has served this institution: our faculty, who carried the work of the university across several fronts — from teaching and nurturing students to holistically develop into true iskolars ng bayan, to conducting research, leading public service and extension work, and often taking on and contributing to administrative responsibilities as well; our REPS, who built and sustained the research and extension profile that defines the university's service to the region; and our administrative staff, who kept the institution running through even the most trying of times. These efforts were etched into history under the most difficult of circumstances — in the wake of Typhoon Yolanda in 2013, which devastated the very region we serve, and through the disruptions of the pandemic, which tested every institution and every worker to their limits. That UP Tacloban endured, adapted, and continued to fulfill its mandate through these crises is a testament to the collective resilience and commitment of its workers. These are only among the most visible moments of a long and continuing story of dedication. We also recognize our contractual workers — our guards, custodians, and support personnel — whose contributions, often unacknowledged, were no less essential to everything we have built.

With this elevation comes both opportunity and responsibility.
We look forward to a UP Tacloban that is fully equipped and empowered to respond to the urgent needs of the region — through rigorous research, meaningful extension work, and responsive public service. To fulfill this mandate, we call on the UP System to ensure that this elevation is accompanied by the resources it demands:

1. The creation of Plantilla items, most urgently for our REPS, who are at the front lines of delivering on the CU's mission;
2. The provision of adequate infrastructure and facilities — such as laboratories, and transforming our classrooms into comfortable and modern spaces of learning; and
3. The sustained, long-term funding necessary to build institutional capacity befitting a constituent university.

A title without resources is an unfulfilled promise. We trust that the system will ensure that form and substance go together.

We likewise affirm that this transition must be grounded in democratic governance and the meaningful inclusion of workers in decision-making. As UP Tacloban transforms its governance structures and strategically positions itself as a CU, the union must be an active and genuine participant in that process. The dignity of our workers must be recognized and upheld at every step of this transition. Workers were central to building this institution; we must be central to shaping its future.

We are committed to working alongside UP Tacloban's administration, academic community, and stakeholders in fulfilling our shared vision. As this achievement was a collective effort, so too must be the journey ahead.

Mabuhay ang mga manggagawa ng UP Tacloban!

Mabuhay ang UP Tacloban!

All U.P. Academic Employees Union (AUPAE Union) — Tacloban Chapter
May 27, 2025

05/04/2026

PUMIRMA AT MAKIISA SA ONLINE PETITION para sa
20K Emergency Relief Grant at 5K Internet, Energy, and Transportation Subsidy!

Para sa mga may official UP Mail, pumirma sa
https://bit.ly/4sRdOxU

Para sa mga WALANG official UP Mail, pumirma sa
https://bit.ly/4towDsb

-------------------------------

Hinihimok natin ang lahat ng empleado ng Unibersidad ng Pilipinas (g**o, REPS, Administrative Staff, UP at Non-UP Contractuals, JOCoS, at Agency Hired) na pumirma sa ating petisyon kay UP President Angelo Jimenez upang ipanawagan ang pagbibigay ng ₱20,000 Emergency Relief Grant, pati na rin ang ₱5,000 subsidy para sa internet, enerhiya, at transportasyon para sa lahat ng faculty, REPS, kawani, JO/COS, at agency-hired personnel sa ating pamantasan.

Ginawa natin ito dahil ramdam na ramdam na ang patuloy na pagtaas ng gastusin sa araw-araw. Patuloy ang pagtaas ng presyo ng petrolyo, na nagdulot na ng pagtaas ng singil sa kuryente nitong Marso. Ngayon, nakaamba naman ang pagtaas ng singil sa tubig ngayong Abril. Kasabay nito, inaasahan din nating tuluy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng mga batayang bilihin. Sa madaling salita, lalong bumibigat ang gastos ng bawat pamilyang Pilipino, kabilang na ang mga empleyado ng UP.

Sa halip na tugunan ito sa pamamagitan ng makabuluhang pagtaas ng sahod at pagkontrol sa presyo ng mga bilihin, ang ipinapanukala ng pamahalaan ay ang compressed work week. Sa ilalim nito, maraming kawani ang inililipat sa work-from-home setup. Ngunit sa aktwal, imbes na makatulong, naglilipat lang ito ng gastusin mula sa gobyerno papunta sa mga empleyado, lalo na sa kuryente, internet, at iba pang pangangailangan sa bahay.

Mahalaga ring maunawaan ang mas malawak na konteksto ng pagtaas ng presyo ng langis. Bahagi ito ng patuloy na pagtaas ng presyo sa pandaigdigang merkado, na pinalalala ng agresyon ng US at Israel laban sa Iran. Sa loob naman ng bansa, hindi rin kayang kontrolin ng gobyerno ang presyo ng langis dahil sa neoliberal na polisiyang Oil Deregulation Law, na nagbibigay ng kalayaan sa mga pribadong kompanya na magtaas ng presyo. Dagdag pa rito, patuloy pa ring pinapatawan ng VAT at excise tax ang mga produktong petrolyo, na lalo lamang nagpapabigat sa mamamayan.

Sa harap ng lahat ng ito, malinaw kung bakit kailangan nating igiit ang agarang tulong at suporta para sa mga empleyado ng UP. Patuloy nating isusulong ang ating mga panawagan para sa makabuluhang pagtaas ng sahod, benepisyo, at sapat na ayuda sa gitna ng tumitinding krisis.

STATEMENTAll UP Academic Employees Union – UP Tacloban25 February 2026In 1986, people stood shoulder to shoulder and pro...
25/02/2026

STATEMENT
All UP Academic Employees Union – UP Tacloban
25 February 2026

In 1986, people stood shoulder to shoulder and proved that power does not belong to a family, a faction, or a throne. EDSA was not simply the end of a dictatorship but a declaration that when power concentrates, when fear silences, when institutions bend, the people must rise.

Four decades later, we confront a difficult truth: while the dictatorship fell, the culture of concentrated power endured. Political dynasties have multiplied across provinces and cities, embedding themselves in the very structures EDSA sought to liberate. They have become a malignant presence in our democratic body. They entrench themselves across provinces and cities, passing offices from parent to child, sibling to sibling, spouse to spouse. What should be public trust becomes private legacy.

The consequences fester in plain sight. Dynastic control shapes how public funds are spent and how priorities are set. National coffers are emptied into flood control projects that fail to protect entire communities from drowning during storms and mere monsoon rains. Causeways and large infrastructure are built without sufficient transparency or foresight, destroying livelihoods and ecosystems while consolidating political capital. We see roads and buildings bearing the names of political clans while basic services remain uneven. Development becomes spectacle rather than service. When leadership is concentrated, oversight weakens. When oversight weakens, accountability erodes.

Political families are a disease that thrive in complacency. They grow stronger when citizens are told that this is simply how politics works. They corrode institutions, normalizing patronage, and reducing governance to preservation of power rather than service to the people.

EDSA taught us that democracy cannot survive in darkness. It cannot flourish when citizens disengage or when structural reform is postponed indefinitely. To commemorate forty years is not to romanticize the past, but to reclaim its urgency. EDSA’s promise endures only if we choose, again and again, to fight for a democracy that truly belongs to the people.

If we are to honor EDSA, we must act and demand laws that dismantle political dynasties, expand genuine representation, and strengthen institutions.

12/12/2025

IBIGAY ANG NARARAPAT! 30K DAPAT!

Hindi maaaring unilateral ang desisyon sa pagbibigay ng CNA Incentive. Walang naganap na pagpupulong ng ating Union Management Monitoring Committee para sa napapabalitang desisyon ng Presidential Advisory Council (PAC) na gawin lamang P27,500 ang ating CNA Incentive ngayong taon.

Marapat itong dumaan sa maayos, demokratiko, at transparent na negosasyon. Ang ganitong artibitraryo at unilateral na desisyon ay malinaw na paglabag sa ating karapatan sa benepisyo bilang unyon at mga manggagawa ng Unibersidad!

Batid na nga natin ang balitang wala tayong PBB 2023 dahil sa pagbabaya ng administrasyong Jimenez, na laging ibinibida na siya'y labor lawyer. Ngayon, babawasan pa ang benepisyong nararapat nating makamit ngayong taon!

Tutulan ang arbitraryong desisyon sa pagbibigay ng 27, 500 CNA Incentive! Ibigay ang nararapat! 30K dapat!


10/12/2025

MASAKLAP NA PAMASKO PARA SA MGA EMPLEYADO NG UP: NASAAN NA ANG PBB 2023?

MAGANDANG BALITA SANA ang gusto nating marinig ngayong panahon ng kapaskuhan—bilyong pisong alokasyon sa taas sahod, bilyong pisong laan para sa benepisyo at insentibo, at higit sa lahat, sa atin sa UP, ang balitang lalabas na ang PBB 2023!

MAY UMUUGONG NA BALITA! Masaklap na balita—hindi makakatanggap ang mga empleyado ng UP ng PBB 2023.

Tanda ninyo ba kung anu-ano ang naging accomplishment ninyo nang taong 2023? Kung ilang mga dokumento, programa at proyektong pinagana’t pinahusay natin para sa serbisyo publikong handog natin bilang mga fakulti, kawani at REPS ng Unibersidad? Kung ilang sentimo, daan, at libo ang ating inabono para lamang matuloy at maging produktibo ang ating mga yunit at departamento?

Bagaman may mga reklamo tayo sa likod ng prinsipyo ng PBB, tayong mga empleyado—dahil katumbas ito ng halos kalahati ng sahod at dehado ang mabababa ang sahod kahit more than 100% ang ating performance, isa ang PBB palaging inaasahan natin taon-taon. Sa tindi ng krisis, ang anumang pampagaan sa bulsa nating butas na ay malaking tulong na para maibsan at bahagyang makaahon kahit papano tayong lubog lubog sa utang at nakaabang na mga bayarin.

Sa kabila nito, WALANG MATATANGGAP NA PBB 2023 ang UP.

E ano naman?

Liban sa walang matatanggap na pinansyal na insentibo para sa ibinuhos na husay, pagod, at talino: ang mga kawani ay nag-oovertime kahit walang overtime pay, ang iba ay may duty ng gabi kahit walang night differential, hazardous ang gawain ng iba kahit walang hazard pay, ang mga g**o ay overload o di kaya ay lampas sa regular na bilang ng estudyante bawat klase para lamang sa maitawid ang semestre. Ang lahat ng g**o, kawani, REPS ay nagtulong-tulong para itaguyod ang pamantasan. Nararapat lamang bigyan ng pagkilala ang mga sakripisyo at tapat na paggampan ng mga empleyado sa ating mga trabaho.

Unang beses na walang PBB ang buong Unibersidad; unang taon din ang 2023 mula nang manungkulan si Pang. Angelo Jimenez.

Basta malinaw, ang ating unyon at mga organisasyon kasama ang Alliance of Concerned Teachers ay nagsagawa ng ‘di mabilang na lobbying at dayalogo sa Department of Budget Management (DBM), kaliwa’t kanan ang paalala’t hindi mabilang na follow-up ng ating unyon, pati na rin ang ilang beses na rally sa administrasyon ng UP hinggil sa PBB 2023, masamang balita pa rin ang ating naulinigan—bagay na hindi man lamang kumpirmahin ng administrasyon.

Palaisipan tuloy para sa ating mga g**o at kawani—ano nga ba ang ginawa ng UP para igiit ang ating PBB 2023? Papaano mababawi ang kawalan ng inaabangang benepisyong ito? Lalu na sa mga kontraktwal, posible bang mabigyan ng kumpensasyon ang utak at puso na ibinuhos para sa ating mga programa’t proyekto?

DISMAYA, KAWALAN NG KUMPYANSA, PANGHIHINAYANG at GALIT ang pamaskong handog sa ating mga abang empleyado ng UP at ng gobyerno, samantalang nagpapakasasa at hayahay ang buhay nilang mga nagkakagulo sa nagtatakipan ng butas sa korapsyon, sa mga ghost projects, sa mga pondo ng bayang sinusuksok sa umaapaw na bulsa ng mga korakot at pulitiko.

UP, mag-ingay, mangalampag!

PBB 2023, ibigay na!


Address

Tacloban City
6500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when All U.P. Academic Employees Union - Tacloban Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category