29/09/2022
Maraming salamat sa Tunay na representante ng Kabataan sa Kongreso.✊
KABATAAN UPDATE: Free College Entrance Examinations Bill pasado na sa mababang kapulungan ng kongreso bilang batas
Apurabo na sa ikatlo at huling pagbabasa sa mababang kapulungan ng Kongreso ang House Bill No. 5001 o ang “Free College Entrance Examinations Act” na pangunahing sinusulong ni Kabataan Rep. Raoul Manuel kasama ang 29 pang mambabatas. Nais nitong tanggalin ang paniningil ng entrance exam fees sa mga mahihirap na mga estudyante o graduate ng high school na bahagi ng top 10 percent ng kanilang graduating class. Layon nitong bigyan ng pantay na pagkakataon ang bawat isang estudyante na makatapak sa kolehiyo. Isa itng mahalagang hakbang upang gawing mas abot-kamay ang de kalidad na edukasyon sa kolehiyo na makakatulong sa pamilya ng mga estudyante at sa kaunlaran ng buong bansa.