15/08/2026
Isang karangalan para sa 222 Rescue Civic Org Inc na mapabilang sa mga kinilala ng National Telecommunications Commission - Regional Office V, Legazpi City sa ginanap na Recognition and Awarding Ceremony for Amateur Radio Groups & Civic Action Groups noong August 10, 2026.
Lubos ang aming pasasalamat kay Atty. Judy Ann N. Bilangel, Director II ng NTC R05, at sa buong NTC R5 family sa pagkilalang ito.
Ang Certificate of Appreciation na ito ay pagkilala sa aming boluntaryong serbisyo at suporta sa pagbibigay ng critical emergency communications sa panahon ng mga nagdaang bagyo, Oplan Sumvac, at Oplan Undas.
Ang parangal na ito ay hindi lamang para sa organisasyon, kundi para sa bawat volunteer, radio operator, at responder na walang sawang naglilingkod upang manatiling connected, informed, at safe ang ating komunidad.
Maraming, maraming salamat po!
Tuloy-tuloy ang serbisyo para sa bayan!
Mabuhay ang 222 Rescue!
Mabuhay ang NTC Region 5!
.