05/06/2026
Matagumpay na Libreng Gupit at Clean Up Drive
June 5, 2026
Taos-pusong nagpapasalamat ang Tau Gamma Phi – Cobo Chapter sa lahat ng tumulong, nakiisa, at sumuporta upang maging matagumpay ang ating Libreng Gupit para sa mga mag-aaral ng Cobo Elementary School at Clean-Up Drive bilang bahagi ng Brigada Eskwela 2026.
Isang espesyal na pasasalamat kina Brod Yad Llona at sa kanyang mga kasama sa kanilang malaking suporta para maisakatuparan ang programang ito. Maraming salamat din kina Brod Armand Ceneta Jr. at Brod Iedderf Llander sa kanilang oras at libreng serbisyo sa paggupit ng buhok ng mga estudyante at sa among butihing Grand Triskelion na si Papa Ghabz na walang sawa na mag gabay saamin para masa katuparan ang programs na ito.
Lubos din kaming nagpapasalamat kay Ma'am Maria Cynthia Untalan sa kanyang gabay, tulong, at pakikipagtulungan upang maging maayos at matagumpay ang ating aktibidad dito sa Cobo Elementary School - Tabaco City, Albay, Bicol
Higit sa lahat, saludo kami sa lahat ng miyembro ng Tau Gamma Phi – Cobo Chapter na naglaan ng kanilang oras, lakas, at dedikasyon sa paglilingkod sa komunidad. Ang tagumpay ng programang ito ay bunga ng ating pagkakaisa at malasakit sa kapwa.
Maraming salamat po sa inyong lahat!
Sama-sama sa paglilingkod, sama-sama sa pag-unlad.
ARIBBA TAU GAMMA PHI - COBO CHAPTER!