LGBTQ Taal's Pride

Directions Contact the organization

LGBTQ Taal's Pride PRIDE �

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Elderly Week, hatid natin ang saya, alaga, at pagpapahalaga sa ating mga minamahal na...
15/10/2026

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Elderly Week, hatid natin ang saya, alaga, at pagpapahalaga sa ating mga minamahal na lolo at lola! 🥰❤️

💇‍♀️ LIBRENG GUPIT
🎨 LIBRENG HAIR COLOR
💅 LIBRENG MANICURE & PEDICURE
🦶 LIBRENG FOOT MASSAGE

Dahil ang ating mga senior citizen ay nararapat lamang na alagaan, pasayahin, at bigyan ng pagmamahal bilang pagkilala sa kanilang mga sakripisyo at kontribusyon sa ating pamilya at komunidad. ❤️

✨ “Ang tunay na kagandahan ay walang edad, at ang pag-aalaga ay walang pinipiling panahon.” ✨

Maraming salamat sa ating mga minamahal na senior citizens at Higit sa ating Mayor Mayor Atty. Nene Bainto pati ang Presidente ng LGBTQ Taals Pride na si TL Spencer, Nawa’y patuloy kayong maging malusog, masaya, at pinagpapala araw-araw. 🙏

Halina't mag-relax at magpaganda sa ating gaganaping Beauty Day bilang bahagi ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week 20...
12/10/2026

Halina't mag-relax at magpaganda sa ating gaganaping Beauty Day bilang bahagi ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week 2026!

📣 Petsa at Oras: 14 October 2026, 8:00 AM to 2:00 PM
📣 Lugar: Taal Convention Center
📣 Mga Serbisyo: Hair Cut, Hair Color, Manicure, Pedicure, and Foot Massage

Mga Mahalagang Paalala:
✅Ang programang ito ay eksklusibo lamang para sa lahat ng ating mga Senior Citizens.
✅Mangyari po lamang na dalhin ang inyong Senior Citizen ID upang maka-avail ng mga serbisyo.
✅Puwede po ang walk-in sa araw ng event, ngunit ipatutupad ang First Come, First Served basis.

Inaanyayahan ang ating mga lolo at lola na pumunta ng maaga at sulitin ang programang ito mula sa Munisipalidad ng Taal!

SA TAAL, BIDA DIN ANG MGA SENIORS!Ngayong Elderly Filipino Week 2026, naghihintay ang isang espesyal na selebrasyon para...
08/10/2026

SA TAAL, BIDA DIN ANG MGA SENIORS!

Ngayong Elderly Filipino Week 2026, naghihintay ang isang espesyal na selebrasyon para sa ating mga Senior Citizens, isang pagkakataon upang magsaya, matuto, makiisa, at higit sa lahat, madama kung gaano sila kahalaga sa ating komunidad. ❤️

✨ MASS & BLESSING OF SENIOR CITIZENS BUILDING
- 13 October 2026 (Tuesday) | 4:00pm | Brgy. Carasuche, Taal, Batangas

✨ TOUR GUIDING WORKSHOP
- 13 - 15 October 2026 (Tuesday - Thursday) | 8:00am to 5:00 pm | M. Agoncillo Hall, Escuela Pia

✨ BEAUTY DAY
(Free Hair Cut, Hair Color, Manicure, Pedicure, Foot Massage)
- 14 October 2026 (Wednesday) | 8:00am to 2:00pm | Taal Convention Center

✨ HEALTH CONGRESS
(Senior-Friendly Zumba, Lecture on Nutrition for Elderly, Nutrition and S*x in the Elderly)
- 15 October 2026 (Thursday) | 7:30 am to 12:00 nn | Taal Convention Center

📌 PAANO MAG-REGISTER?

Ang lahat ng Senior Citizens na nais makilahok ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang Senior Citizen President sa barangay para sa registration at iba pang detalye.

Maaari rin kayong makipag-ugnayan sa Mayor’s Office para sa karagdagang impormasyon.

Tara na at makiisa! Dahil sa Taal, ang ating mga senior citizens ay hindi lamang inaalagaan, sila ay pinapahalagahan, pinakikinggan, at ipinagdiriwang.

30/09/2026
HAPPY BIRTHDAY!Sandy BuñoLGBTQ Taals Pride Treasurer
24/09/2026

HAPPY BIRTHDAY!
Sandy Buño
LGBTQ Taals Pride Treasurer

BLOOD DONATION DRIVE 2026“Serbisyo sa Bayan, Dugo Para sa Buhay.”Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa Blood Donation ...
19/09/2026

BLOOD DONATION DRIVE 2026

“Serbisyo sa Bayan, Dugo Para sa Buhay.”

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa Blood Donation Drive 2026 bilang bahagi ng Civil Service Month Celebration.

📅 September 21, 2026 (Monday)
⏰ 9:00 AM – 12:00 NN
📍 Sesion Hall, Municipality of Taal

🩸 PAALALA SA MGA NAGNANAIS MAG-DONATE:
• Huwag uminom ng alak sa loob ng 24 oras bago ang blood donation.
• Matulog nang sapat.
• Kumain bago mag-donate.

Isang donasyon, maaaring makatulong sa higit pang buhay. Tara, magbigay ng dugo at pag-asa!

📢 FYI ‼️‼️ORIENTATION SEMINAR PARA SA ASPIRING CANDIDATESAng COMELEC – Taal, Batangas ay magsasagawa ng Orientation Semi...
04/09/2026

📢 FYI ‼️‼️

ORIENTATION SEMINAR PARA SA ASPIRING CANDIDATES

Ang COMELEC – Taal, Batangas ay magsasagawa ng Orientation Seminar bilang paghahanda sa nalalapit na Filing of Certificate of Candidacy (COC).

Inaanyayahan ang lahat ng aspiring candidates para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections na dumalo upang talakayin ang mahahalagang impormasyon, alituntunin at mga kinakailangan kaugnay ng nalalapit na filing ng candidacy.

📅 Petsa: September 9, 2026-Lahat ng POBLACION kasama ang Brgy. Balisong, Bihis,Buli, Butong, Tierra Alta, Niogan and Tulo

Sept.10, 2026-lahat ng natitirang Brgys.

⏰ Oras: 9:00 ng umaga

📍 Lugar: Taal Convention Center

Mahalaga ang inyong pagdalo upang maging maayos at handa ang lahat sa proseso ng paghahain ng Certificate of Candidacy.

Inaanyayahan ang lahat ng mga interesadong tumakbo bilang Barangay at SK candidates na dumalo.

PAMBANSANG ARAW NG MGA BAYANI 🇵🇭Ngayong National Heroes’ Day, ating alalahanin at parangalan ang mga bayaning nag-alay n...
31/08/2026

PAMBANSANG ARAW NG MGA BAYANI 🇵🇭

Ngayong National Heroes’ Day, ating alalahanin at parangalan ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay, at sakripisyo para sa bayan, kabilang ang mga dakilang anak ng Taal na sina Maria Orosa y Ylagan, Gliceria Marella de Villavicencio, at Marcela Agoncillo.

At hindi lamang sa kasaysayan matatagpuan ang mga bayani. May mga bayaning patuloy na nagsisilbi, tumutulong, at gumagawa ng kabutihan sa ating komunidad.

Sa bawat sakripisyo, at tapat na paglilingkod, buhay ang diwa ng kabayanihan.

Mabuhay ang ating mga Bayani!
Mabuhay ang Bayan ng Taal!
Mabuhay ang Pilipinas!

Address

Taal
4208

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LGBTQ Taal's Pride posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to LGBTQ Taal's Pride:

Shortcuts

Share