07/08/2026
๐๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐, ๐ฌ๐๐ฆ๐-๐ฌ๐๐ฆ๐ ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฉ๐๐ ๐๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ง๐ฌ๐ ๐๐๐๐
Ngayong Agosto, nakikiisa ang Surigao del Norte State University sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang, "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."
Itinatampok ng temang ito ang mahalagang papel ng Artificial Intelligence (AI) bilang katuwang sa pagpapahusay ng kalidad ng pananaliksik at pagpapalawak ng akses sa kaalaman. Kasabay nito, kinikilala ang wikang Filipino bilang mabisang tulay sa pagbabahagi ng impormasyon at sa paghubog ng isang mas maunlad at inklusibong kinabukasan para sa bawat Pilipino.
Sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), naghanda ang SNSU ng iba't ibang programa at gawain upang higit pang isulong ang pagpapahalaga, at pagpapaunlad ng wikang Filipino, kasabay ng responsableng paggamit ng AI sa larangan ng edukasyon, pananaliksik, at komunikasyon.
Para sa mga anunsyo at iba pang impormasyon tungkol sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 sa ating unibersidad, i-follow ang page ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KAMAFIL) SNSU.