17/09/2022
Kaisa ang buong Kagawaran ng Edukasyon sa selebrasyon ng Linggo ng Kasuotang Pilipino tuwing ikatlong linggo ng Setyembre sa bisa ng Proklamasyon Blg. 241, s. 1993.
Ngayong Setyembre 15-21, ating itampok ang iba't ibang katutubong kasuotan na sumisimbolo sa kasaysayan ng ating bansa at nagpapakita ng ating makulay at masaganang kultura.
Halina’t ipagdiwang at ipagmalaki ang pagiging malikhain nating mga Pilipino! 🇵🇭