16/03/2026
Assalamualaikum warahmatullahi wa barakatuhu.
Inaanyayahan namin ang mga taga simuay bridge at karatig baranggay nito na dumalo sa gaganaping RAMADHAN ISLAMIC SYMPOSIUM dito sa masjid Abu Bak'r As-Siddique—ang masjid na matatagpuan sa may baba ng tulay.
Ang nasabing symposium ay gaganapin ngayong gabi ika-16 ng Marso ngayong taon bandang alas nuebe pagkatapos ng taraweeh (09:00 PM).
Sa kalagitnaan ng Symposium, may mga hadia (prizes) na ibibigay sa mga maswerteng mabubunot. Liban dito, may mga as-ila (questions) na itatanong patungkol sa usapin (topic) ng bawat muhadhir (speaker).
May mga merienda ring ihahain sa lahat ng mga makakadalo at suhor budget na ipapamigay pagkatapos ng tahajjud.
Nawa'y maraming makadalo sainyo.