The Book Nook Subic, Zambales

The Book Nook Subic, Zambales Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from The Book Nook Subic, Zambales, Community Center, Subic National High School, Mangan-vaca, Subic.

Thanks for being a top engager and making it on to my weekly engagement list! ๐ŸŽ‰Kriztine Claire Sadaba, Jen Valdevarona, ...
06/04/2026

Thanks for being a top engager and making it on to my weekly engagement list! ๐ŸŽ‰

Kriztine Claire Sadaba, Jen Valdevarona, Louise Andrea De Jesus

31/03/2026

๐’œ๐“ƒ๐‘” ๐’ซ๐’ถ๐‘”๐’พ๐‘”๐’พ๐“ƒ๐‘” ๐ต๐’ถ๐’ท๐’ถ๐‘’ ๐’ถ๐“Ž ๐’ซ๐’ถ๐“‚๐“Š๐“‚๐“Š๐’ฝ๐’ถ๐“Ž ๐“ˆ๐’ถ ๐’ซ๐’ถ๐“ƒ๐’ถ๐’ฝ๐‘œ๐“ƒ ๐“ƒ๐‘” ๐’Ÿ๐’พ๐‘”๐“‚๐’ถ

Sa pagtatapos ng Buwan ng Kababaihan, ang pangangailangan naman sa patuloy na mga kampanya para sa pagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan at kabataan laban sa lahat ng anyo ng pang-aabuso.

Literal at piguratibong digmaan ang kinakaharap ng mga kababaihan (at karaniwang Pilipino). Nariyan sa unang banda; ang digmaan sa Kanlurang Asya (Middle East) at ang kaakibat nitong krisis sa langis at paglobo ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Sa kabilang banda naman, ang pang araw-araw na manipestasyon ng seksismo.

Kaugnay nito, inihahandog ng Book Nook Subic by Subic National High School ang ikatlong episodyo ng seryeng ๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ง๐—ผ๐—ธ. Tampok dito ang tagapangulo ng Subic National High School- Girl Scout of the Philippines na si ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ผ. Naging paksa niya rito ang aklat-pambatang (para sa edad 5 pataas)โ€”๐—”๐—ธ๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐—ž๐—ถ๐—ธ๐—ถโ€” ๐™†๐™ช๐™ฌ๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™ค ๐™ฃ๐™ž ๐™‚๐™ก๐™š๐™ฃ๐™™๐™– ๐™Š๐™ง๐™ž๐™จ ๐™–๐™ฉ ๐™‚๐™ช๐™๐™ž๐™ฉ ๐™ฃ๐™ž ๐˜ฝ๐™š๐™ฉ๐™ ๐™‹๐™–๐™ง๐™ง๐™ค๐™˜๐™๐™–.

โ€œSa huliโ€™y naunawaan,
na ang pagiging babae
ay walang katapusang pakikibaka
para mabuhay at maging malaya.โ€

-Halaw ang pamagat at sipi mula sa tula ni Joi Barrios-Leblanc na may parehong pamagat.

๐ŸŽฅ Ruth Mecanelle Magolhado
๐Ÿ‘ฉ๐Ÿผโ€๐Ÿ’ป Azumi Suansing

Thanks for the tag, NBDB!
25/03/2026

Thanks for the tag, NBDB!

Hanggang sa muli, Dr. Allan Popa!
25/03/2026

Hanggang sa muli, Dr. Allan Popa!

๐€๐ง๐  ๐‹๐ฎ๐ ๐š๐ซ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ค๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐€๐ซ๐š๐ฐ-๐š๐ซ๐š๐ฐ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐‹๐ž๐ค๐ญ๐ฎ๐ซ๐š ๐ง๐ข ๐ƒ๐ซ. ๐€๐ฅ๐ฅ๐š๐ง ๐๐จ๐ฉ๐šPara sa unang serye ng ๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ-๐—ง๐˜‚๐—ฟ๐—ผ: ๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ...
20/03/2026

๐€๐ง๐  ๐‹๐ฎ๐ ๐š๐ซ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ค๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐€๐ซ๐š๐ฐ-๐š๐ซ๐š๐ฐ
๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐‹๐ž๐ค๐ญ๐ฎ๐ซ๐š ๐ง๐ข ๐ƒ๐ซ. ๐€๐ฅ๐ฅ๐š๐ง ๐๐จ๐ฉ๐š

Para sa unang serye ng ๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ-๐—ง๐˜‚๐—ฟ๐—ผ: ๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐—ถ ng Book Nook Subic by Subic National High School (SNHS), isinagawa kahapon ika-19 ng Marso ang lektura ni ๐——๐—ฟ. ๐—”๐—น๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ผ๐—ฝ๐—ฎ, isang premyadong makata. Pinamagatan itong Ang Lugar ng Panitikan sa Araw-araw: Pagsulat, Pagbasa, at Gawaing Pangkultura na Nakaugat sa Komunidad.

Uminog ang lektura sa pagbabahagi niya ng kanilang best practices ukol sa literacy program na tinawag nilang Kulaybrary. Isang mobile library na umiikot sa mga bayan ng Virac, Catanduanes. Natalakay rin sa programa ang mga dulog para sa mga g**o kung paano mas mailalapit sa mga mag-aaral ang pagbabasa at pagpapahalaga sa Panitikan. Nabanggit din na ang sining ng isang manggagawang pangkultura ay kailanging palitawin ang mga suliranin ng kaniyang komunidad.

Dumalo sa programa ang patnugutan ng Ang Batang Bayani (Opisyal na Publikasyon sa Filipino ng SNHS); mga g**o sa Departamento ng Filipino ng SNHS; at ilang staff ng 88.7 K5 News FM Olongapo.

Matapos ang lektura at malayang talakayan, nagkaroon ng pagkakataon ang mga dumalo na magpapirma ng kanilang mga preordered na aklat ni Dr. Popa. Naghandog din siya ng mga donasyong libro mula sa Aklat Ulagad na kaniyang itinatag. Nagwakas ang programa sa pamamagitan ng pagbabasa niya ng ilang mga tula mula sa pinakabago niyang koleksyong ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ผ ๐— ๐—ผ ๐—”๐—ป๐—ด ๐—”๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—”๐˜„๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป.

โ€”โ€”โ€”

Pasasalamat sa mga sumusunod na indibidwal, institusyon, at negosyo para sa kanilang di-matatawarang suporta para maging matagumpay ang lekturang ito:

Allan Popa
Filipino Department- SNHS
Acuppella Cafe
Krizza Andrea M. Garcia
Ana B. Garcia
Book Nook Buddies

Litera-Turo:Talakayan sa Literatura at LiterasiDr. Allan Popa19 Marso 2026
20/03/2026

Litera-Turo:
Talakayan sa Literatura at Literasi
Dr. Allan Popa
19 Marso 2026

๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—น๐—บ๐—ผ ๐—Ÿ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ถ๐—น๐—ถ๐—บSa ngalan ng pamunuan ng Book Nook Subic by Subic National High School, ang aming taos-pusong p...
20/03/2026

๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—น๐—บ๐—ผ ๐—Ÿ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ถ๐—น๐—ถ๐—บ

Sa ngalan ng pamunuan ng Book Nook Subic by Subic National High School, ang aming taos-pusong pasasalamat kay ๐„๐๐ ๐š๐ซ ๐‚๐š๐ฅ๐š๐›๐ข๐š ๐’๐š๐ฆ๐š๐ซ sa kanyang donasyong ๐’๐š๐ง๐ญ๐ž๐ฅ๐ฆ๐จ ๐ˆ๐ฌ๐ฌ๐ฎ๐ž ๐๐จ. ๐Ÿ๐Ÿ‘ ๐๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐  ๐ˆ๐ฌ๐ฒ๐ฎ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐ข๐ง ๐ฌ๐š ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ. Siya ang kasalukuyang tagapangulo sa National Committee on Literary Arts (NCLA) isang subkomisyon ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Tagapangulo rin siya ng Kagawaran ng Filipino- Pamantasang Ateneo de Manila.

Naglalaman ang isyung ito ng mga pagsasalin hindi lamang ng mga teknikal na teksto ukol sa pagsasalin; kundi pati na rin ng mga malikhaing akdang rehiyonal at internasyonal sa paglalayong makaabot ng mas maraming mambabasa sa pamamagitan ng wikang lubos nilang mauunawaan-Filipino.

Kaisa mo kami Propesor Samarโ€”gaya ng sinulat mo sa dedikasyon sa kopya naming ito at laman din ng iyong introduksiyonโ€”โ€˜maaaring isakatuparan ang patuloy nating pangangarap ng mundong higit sa naririto.โ€™


๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Kasalukuyang ginaganap ang lektura ni Dr. Allan Popa na Ang Lugar ng Panitikan sa Araw-araw: Pagsulat, Pagbasa...
19/03/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Kasalukuyang ginaganap ang lektura ni Dr. Allan Popa na Ang Lugar ng Panitikan sa Araw-araw: Pagsulat, Pagbasa, at Gawaing Pangkultura na Nakaugat sa Komunidad.

๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ-๐—ง๐˜‚๐—ฟ๐—ผTunghayan ang ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜†๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ-๐—ง๐˜‚๐—ฟ๐—ผ mula sa Book Nook Subic. Mga talakayan tungkol sa Literatura at Literasi. S...
10/03/2026

๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ-๐—ง๐˜‚๐—ฟ๐—ผ

Tunghayan ang ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜†๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ-๐—ง๐˜‚๐—ฟ๐—ผ mula sa Book Nook Subic. Mga talakayan tungkol sa Literatura at Literasi. Sa mga programang ito, mag-iimbita ng mga indibidwalโ€”awtor, manggagawang pangkultura, artista, atbp.โ€” upang magturo ng mga kaugnay na paksa sa nabanggit.

Para sa unang lektura, inihahandog ng Book Nook Subic kasama si ๐——๐—ฟ. ๐—”๐—น๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ผ๐—ฝ๐—ฎ ang: โ€œAng Lugar ng Panitikan sa Araw-arawโ€ isang lektura/ pagbabasa ng tula ngayong Marso 18.

Kung babalikan ang ating kasaysayang pampanitikan, hindi tiwalag ang Panitikan sa pang-araw araw na pamumuhay ng ating mga ninuno. Mula pagsilang, pagtatrabaho hanggang pagkamatay ay may mga kaakibat na panitikang oral tulad ng mga awit, bugtong at salawikain. Gayundin, ang pagiging-malay sa kapaligiran at komunidad, at pagpaksa nito sa mga akda.

Limitadong slot sa publiko.
Magparehistro rito:

https://forms.gle/aHwthqBJgoWNfbS2A
https://forms.gle/aHwthqBJgoWNfbS2A
https://forms.gle/aHwthqBJgoWNfbS2A



-Turo

Isasara ngayong araw ang form para sa preorder ng mga nabanggit na libro.
08/03/2026

Isasara ngayong araw ang form para sa preorder ng mga nabanggit na libro.

Address

Subic National High School, Mangan-vaca
Subic
2209

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Book Nook Subic, Zambales posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share