04/08/2026
Maulang gabi po Subiqueños!
Ngayong araw, muli nating inilapit sa Konseho ng Subic ang usapin patungkol sa IPMR o Indigenous Peoples Mandatory Representative bilang pagkilala sa karapatan ng mga katutubo sa ating bayan.
Umaasa po ako na sa pagkakataong ito, na nalaman nating may CAD-T o titulo ng ancestral domain na ang mga Ayta sa Brgy. Naugsol, uusad na ang pagkilala natin sa kanila.
Sa mga susunod namang araw ay ibabalita namin sa inyo ang mga inilalapit sa Sangguniang Bayan ng Subic na may kinalaman sa pondo ng ating bayan.
Ingat po ang lahat!