13/03/2026
PUBLIC ANNOUNCEMENT MULA SA LGU SUBIC
Simula bukas, Biyernes, Marso 13, 2026, ang Lokal na Pamahalaan ng Subic (LGU Subic) ay magpapatupad ng apat na araw na iskedyul ng trabaho, mula Lunes hanggang Huwebes, 8AM hanggang 5PM, at tuwing Biyernes bilang "Work from Home".
Gayunpaman, ang mga tanggapan na nagbibigay ng mga mahahalaga at frontline na serbisyo, kabilang ang mga serbisyong pangkalusugan, pagtugon sa sakuna, kaligtasan ng publiko at iba pang kritikal na serbisyo ay titiyakin ang patuloy na pagbigay ng serbisyo sa publiko.
Ito ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 114, Series of 2026 "Directing All Government Agencies and Instrumentalities to Strictly Adopt Energy Conservation Protocols" (Nag-uutos sa Lahat ng Ahensya ng Pamahalaan na Mahigpit na Sundin ang mga Protokol sa Pagtitipid ng Enerhiya).
Ulat ni Juan Deveraturda