29/12/2025
Masiglang pakikilahok sa Year-End Raffle Draw nagdulot ng tagumpay!
Matagumpay na naisagawa ang Year-End End Raffle Draw “Suporta Mo, Tagumpay ng Eskwela Rito” nitong Disyembre 17, 2025 sa Bulwagan ng Karunungan, Paaralang Sentral ng Sual (PSS).
Layunin ng gawain na makalikom ng pondo para sa iba’t ibang programa at proyekto ng paaralan habang pinagtitibay ang pagkakaisa at pagtutulungan ng buong komunidad ng paaralan.
Taos-pusong nagpapasalamat ang SPTA at pamunuan ng PSS sa masigasig na pakikilahok at pakikiisa ng mga magulang, g**o, mag-aaral, at iba pang miyembro ng komunidad sa isinagawang raffle draw.
Ang inyong aktibong partisipasyon at suporta ay naging malaking bahagi sa matagumpay na pagpapatupad ng gawain.
Nawa’y patuloy ang ganitong uri ng suporta. 🙏