28/04/2026
Malinaw na paningin, mas maliwanag na kinabukasan!
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Sual Cultural Celebration 2026: FREE EYE SCREENING na hatid ng LGU Sual, Pangasinan Eye Center Urdaneta at Fraternal Order of Eagles (Sual Western Pangasinan Eagles Club). Libreng serbisyong pangkalusugan para sa inyong mga mata—lalo na para sa ating mga minamahal na senior citizens.
🗓 May 6, 2026 (Miyerkules)
⏰ 8:00am to 12:00nn
📍 Sual Sports Complex
Serbisyong handog:
• Libreng Salamin
• Libreng Eye Operation sa Pangasinan Eye Center Alaminos City
• Libreng Eye Screening
• Libreng Konsultasyon
• Iba pang pagsusuri sa mata
Huwag palampasin ang pagkakataong alagaan ang inyong paningin. Dalhin ang buong pamilya at sama-sama nating pahalagahan ang kalusugan ng ating mga mata. Kita-kits po!