30/08/2025
Inilunsad sa Sual, Pangasinan ang programang “₱20 Benteng Bigas, Meron Na! (PBBM) para sa Mangingisda” noong Agosto 29, 2025, kung saan unang nakinabang ang mga lokal na mangingisda. Sa unang yugto, 100 sako ng bigas mula NFA ang inilaan upang maibsan ang epekto ng inflation at matiyak ang abot-kayang pagkain para sa mga pamilya.
📷 NFA Eastern Pangasinan