04/05/2026
SM PRIME MAGBUBUKAS NG PINAKAMALAKING MALL SA LAGUNA PAGSAPIT NG Q4 2026
Inihayag ng SM Prime na magbubukas ito ng bagong flagship mall sa Santa Rosa, Laguna na inaasahang magiging pinakamalaki sa lalawigan pagsapit ng ikaapat na quarter ng 2026.
Ang SM Nuvali ay magkakaroon ng mahigit 82,000 sqm na leasable space at idinisenyo bilang integrated lifestyle destination na may open-air areas at green spaces.
Kabilang din sa mga tampok nito ang indoor garden, EV charging stations, at sustainability features tulad ng solar panels at water recycling systems.
Layunin ng proyekto na palakasin ang ekonomiya ng Laguna sa pamamagitan ng paglikha ng trabaho at pag-akit ng mas maraming negosyo at pamumuhunan sa rehiyoN.