10/06/2025
๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ง๐๐๐ก๐ ๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฆ๐ข๐๐๐ก๐ข๐ก ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐ง๐จ๐๐ข๐ฌ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐ก ๐ก๐ ๐๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ ๐๐ก๐ง ๐ง๐ฅ๐๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐๐ช๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐จ๐๐ข ๐ฆ๐๐ฅ๐ ๐ญ. ๐๐จ๐ง๐๐ฅ๐ง๐ ๐๐ง ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ก๐ฆ๐๐๐ ๐ก๐๐ง๐ข ๐๐๐ฌ ๐ฆ๐๐ก๐๐ง๐ ๐ฃ๐ฅ๐๐ฆ๐๐๐๐ก๐ง ๐๐๐๐ญ ๐๐ฆ๐๐จ๐๐๐ฅ๐ข ๐๐ง ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐ก๐๐๐ข
Kami ang pinagbuklod a mga kabataang Sorsoganon na nananawagan sa Senado ng Pilipinas at sa aming kababayan a si Senate President Francis Joseph "Chiz" Escudero na gampanan ang kanilang tungkulin ayon sa nakasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas at sa pinagkaloob na tiwala ng mga Pilipino na ituloy na ang impeachment trial ni Pangalawang Pangulo Sara Z. Duterte.
Matatandaan na humigit apat (4) na buwan na ang pagpapaliban sa itinakdang impeachment trial ng Pangalawang Pangulo na inihain ng mamamayan, at noong June 2, 2025, ang pagsisimula sana ng naturang paglilitis ngunit ito ay ipinagpaliban muli. Sa June 11, 2025 na ang itinakdang araw para rito, ngunit maraming ingay at mismong mga miyembro ng senado ang nais na ibasura na lamang ito nang walang paglilitis na mangyayari. Ang ganitong uri ng usapin at isyu ay sumisira sa haligi ng demokrasya at prosesong itinakda ng batas na nagpapahina sa tiwala ng publiko. Ito ay nagpapakita ng pagtalikod ng mga lingkod-bayan sa sinumpaang tungkulin nila para sa mamamayan sa paghahanap ng katotohanan at hustisya. Gayundin ang mga usaping ito ay nagbibigay ng isang mensahe na ang mga lingkod-bayan ay maaaring tumakas sa mga pananagutan at pagsasawalang-bahala ng mga usapin na may kinalaman sa katapatan at integridad bilang lingkod-bayan, higit na ang mga matataas na pinuno, na tayo ay may inaasahang mas mataas na respeto sa batas at sa mamamayan nito.
Mismong ang Konstitusyon ang nagsasabing dapat walang pagpapaliban at agaran ang paglilitis sa inihaing impeachment article laban sa sinumang nasasakdal dito. Gayunpaman na ang prosesong ito ay isang political at legal na pamamaraan sa paghingi ng pananagutan. Anuman ang pulitika, kulay, o dahilan, ang malinaw na panawagan ay ang katotohanan batay sa ebidensya, ang makatarungang tugon sa mga paratang laban sa nasasakdal, at ang paggalang sa tiwalang ibinigay ng mamamayan kay Pangalawang Pangulo Sara Z. Duterte. Nawa hayaan natin na proseso ng batas ang manaig at bigyan natin ng mataas na pagpapahalaga ang mga itinakdang probisyon ng Konstitusyon sa usapin ng impeachment trial.
Bilang mga kabataang Sorsoganon, umaasa kami sa Senado at sa aming kagalang-galang na Senate President Francis Joseph "Chiz" Escudero, na isang tubong Sorsogon. Nais naming ipaalala na walang tamang oras kung hindi ngayon ang paghingi ng pananagutan sa mga lingkod-bayan.
Itong pahayag ay aming inilimbag, hindi lamang dahil ito ay usaping konstitusyonal. Ang isyu ng korapsyon ni Sara Duterte ukol sa pondo nq DepEd ay may direktang epekto sa kabataang Sorsoganon. Hindi lingid sa ating kaalaman, a may krisis pang-edukasyon sa ating probinsya. Ayon mismo sa DepEd, mataas ang numero ng kabataang hindi nakakapag-aral sa ating probinsya. Bente porsyento (20%) ang hindi enrolled sa Kindergarten, bente porsyento (20%) rin ng 12-15 taong gulang ang hindi enrolled sa hayskul, at tatlumpu sa isang daang kabataang edad 16-18 taong gulang ay hindi rin pumapasok sa paaralan. Hirap din ang ang mga kabataang Sorsoganon sa pagbabasa. Halos bente-dos porsyento (22 %) ng mga estudyante sa primaryang lebel ng elementarya ay hindi marunong umintindi sa kanilang binabasa. Ang umano'y paglustay ng daan-daang milyong piso ng pondo sa DepEd ay isang malaking balakid sa pagbibigay ng solusyon sa kasalukuyang krisis sa edukasyon. Sa halip a mapunta sa mga programang makatutugon sa mga suliraning ito, nasasayang ang pondo sa mga bagay na walang malinaw a ambag sa kalagayan ng edukason sa probinsya. Kaya naman, ang pagpapaliban sa impeachment trial ay direktang pagtalikod sa mga mga isyung lubos na mahalaga sa ating probinsya.
Gayunpaman, kami ay direktang nananawagan sa aming kababayan na pakinggan ang hinaing ng kabataan at samahan kami sa aming laban.
Huhusgahan tayo ng kasaysayan at ang mga susunod a henerasyon kung ipagsasawalang-bahala natin ang impeachment trial a ito. Sa pinagdaraanan ng ating sanga-sangang kasaysayan, ngayon, nais naming ipaalala ang mga kabayanihan ng ating mga kapwa Sorsoganon. Tulad ni Liliosa Hilao na tubong Bulan, Sorsogon, isang manunulat ng Opisyal na Pahayagan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, sa kabila ng kanyang kapansanan at kahinaan matibay ang kanyang paninindigan. Ang National Artist na si Lino Brocka, tubong Pilar, ginamit niya ang kaniyang impluwensya sa media para maghatid ng karunungan, katotohanan, at pagpapalaya ng kamalayan sa lipunan, at isa rin siya sa mga bumalangkas ng kasalukuyang Saligang Batas o ang 1987 Konstitusyon. Kung paano sila nanindigan, ginamit ang kanilang kakayahan, at naging bukal ng pag-asa sa gitna ng krisis pampulitika at panq-aabuso ng kapangyarihan. Nawa'y maging inspirason at sandalan natin ang kanilang halimbawa at mahalagang papel sa kasaysayan bilang mga anak ng Sorsogon.
Walang hihigit sa batas, pantay ang pagkiling ng hustisya, at ang lahat ay may pananagutan. Ito ang uri ng lipunan at nais nating makamit bilang isang sambayanang Pilipino at mamamayan ng Sorsogon. Ang mga kabataang lumagda sa manifestong ito ay mga kabataang Sorsoganon a minsang nasaksihan ang mga tinatayuang prinsipyo at may paghanga, at patuloy na nagbabantay sa kilos ng Senado at sa aming kagalang-galang na Senate President Francis Joseph "Chiz" Escudero.
๐๐ฎ๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ผ๐ฟ๐๐ผ๐ด๐ฎ๐ป๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐บ๐๐น๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐บ๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ต๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฟ๐ถ๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐๐น๐ผ ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ฆ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ญ. ๐๐๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ.
Sa mga nais pang magsumite ng pirma mangyaring matungo sa link na ito: https://docs.google.com/.../e/1FAIpQLS67SKdP5MsegwYb3q0X1rTy