28/05/2026
SK UDDIAWAN INTER-PUROK LEAGUE AWARDING CEREMONY
Isang matagumpay at makabuluhang Awarding Ceremony ng SK UDDIAWAN INTER-PUROK LEAGUE ang ginanap noong May 24, 2026, kasabay ang โSportsmanship Beyond League: Youth Seminar on Anti-Bullying and Prevention of Illegal Drugs.โ
Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng Sangguniang Kabataan ng Uddiawan sa lahat ng nakiisa, dumalo, at sumuporta sa makasaysayang programang ito. Maraming salamat sa ating mga manlalaro na nagpakita ng husay, lakas ng loob, at tunay na sportsmanship sa buong liga, pati na rin sa lahat ng mga pinarangalan na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa kabataan ng ating komunidad.
Lubos din ang aming pasasalamat sa ating mga katuwang na naging malaking bahagi ng tagumpay ng programa: SOLANO Fire Station Satellite Office, PNP Solano, at Solano NVTSRAI-SBP. Ang inyong presensya, kaalaman, at walang sawang suporta ay nagbigay-lakas at aral sa ating kabataan.
Ipinagdiwang hindi lamang ang tagumpay ng mga koponan, kundi pati ang diwa ng pagkakaisa, respeto, at responsableng kabataan. Nawaโy magsilbing inspirasyon ang programang ito upang mas lalo pang paigtingin ang magandang kinabukasan ng ating komunidad.
Maraming salamat at hanggang sa susunod na laban! ๐๐๐ฅ