09/06/2026
mga drivers tulad k tignan o natin ito ara iwas disgracia.
🕊️ LIMANG KATAO, NASAWI SA MALAGIM NA AKSIDENTE SA ALICIA, ISABELA
Limang katao ang pumanaw habang dalawa naman ang nagtamo ng pinsala matapos masangkot sa banggaan ng tatlong sasakyan sa kahabaan ng national highway sa Barangay Rizaluna, Alicia, Isabela.
Batay sa paunang imbestigasyon, isang malaking truck ang umano'y nawalan ng kontrol matapos magkaroon ng problema sa gulong, dahilan upang mabangga nito ang isang MPV at isang motorsiklo. Kabilang sa mga nasawi ang ilang miyembro ng isang pamilya na bumiyahe sana upang dalawin ang kanilang mga mahal sa buhay.
Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong detalye ng insidente. Nakikiramay ang marami sa mga naulila at naapektuhan ng trahedyang ito.