25/08/2026
Ang Green Meadow Development Foundation, Incorporated (GMDFI) ay namahagi ng vegetable seeds and seedlings, garden tool sets, at vermicast sa 130 household members bilang suporta sa kanilang backyard gardening at sustainable vegetable production.
Kasunod nito, isinagawa ang Natural Farming System Orientation and Workshop sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng LGU Solana, na nagsilbing resource person sa aktibidad.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kaalaman ng mga benepisyaryo sa natural at organikong pamamaraan ng pagsasaka. Natutunan nila ang paggawa ng Fish Amino Acid (FAA) bilang natural na pataba at pampalakas ng halaman, at Oriental Herbal Nutrients (OHN) bilang natural na pest repellent at plant booster.
Sa pamamagitan ng pagtuturo ng paggawa ng sariling farm inputs at pagbibigay ng mga kinakailangang kagamitan, mas napalalim ang kamalayan ng mga benepisyaryo sa kahalagahan ng self-reliance at sustainable food production.
Patuloy na isusulong ng GMDFI ang
sustainable agriculture at Natural Farming System bilang isang mas ligtas, malusog, at responsableng paraan ng produksyon ng mga produktong agrikultural.