Usbong Kabataang Mindoreño

Usbong Kabataang Mindoreño Youth Organization

𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗢 𝗕𝗢𝗧𝗢 𝗞𝗨𝗡𝗗𝗜 𝗞𝗜𝗡𝗔𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗪𝗔𝗧 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢.Hindi lang ito simpleng pagpaparehistro, ito ay unang hakbang tu...
16/05/2026

𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗢 𝗕𝗢𝗧𝗢 𝗞𝗨𝗡𝗗𝗜 𝗞𝗜𝗡𝗔𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗪𝗔𝗧 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢.

Hindi lang ito simpleng pagpaparehistro, ito ay unang hakbang tungo sa pagbabagong nais mong makamtan.
Sa bawat responsableng botante, may pag-asang mabuo ang isang mas tapat, mas maayos, at mas makataong pamahalaan.

𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗵𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗼𝘀𝗲𝘀.
𝗠𝗮𝗴𝗽𝗮𝗿𝗲𝗵𝗶𝘀𝘁𝗿𝗼 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗵𝘂𝗯𝗼𝗴 𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻.

⏳ 𝗩𝗢𝗧𝗘𝗥 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗜𝗦 𝗨𝗡𝗧𝗜𝗟 𝗠𝗔𝗬 𝟭𝟴, 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗢𝗡𝗟𝗬!

𝗣𝗔𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗥𝗘𝗛𝗜𝗦𝗧𝗥𝗢?
1. Punan ang isang (1) kopya ng application form na maaaring makuha nang LIBRE sa Office of the Election Officer (OEO) o i-download online.
2. Magtungo sa inyong OEO upang isumite ang kinakailangang dokumento at magpakuha ng biometrics.
3. Kunin ang acknowledgment stub bilang patunay na naisumite ang inyong aplikasyon.

𝗧𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡:
Ang pagsusumite ng aplikasyon ay HINDI nangangahulugang rehistrado ka na agad bilang botante. Ito ay kailangan pang aprubahan ng Election Registration Board sa kanilang quarterly hearing.

𝗦𝗔𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗔𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗥𝗘𝗛𝗜𝗦𝗧𝗥𝗢?
📍 Office of the Election Officer (OEO) kung saan ka nakatira
📍 Mga satellite registration sites sa inyong lokalidad
Para sa iskedyul at lokasyon ng voter registration, bisitahin ang:
COMELEC Voter Registration Schedule

𝗠𝗔𝗚𝗗𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗩𝗔𝗟𝗜𝗗 𝗜𝗗
💳 𝗔𝗖𝗖𝗘𝗣𝗧𝗘𝗗 𝗜𝗗𝘀:
• PhilSys National ID / ePhilID
• Philippine Passport
• Driver’s License / Student Permit
• SSS / GSIS / UMID ID
• Postal ID
• PRC License
• NBI Clearance
• Senior Citizen ID
• PWD ID
• School ID / Library Card
• Integrated Bar of the Philippines (IBP) ID
• Certificate of Confirmation from NCIP

📌 Ayon sa Section 17 ng COMELEC Resolution No. 11177, maaari ring tanggapin ang iba pang government-issued IDs (hal. PhilHealth o TIN ID) basta’t nakasaad ang iyong kasalukuyang tirahan.

𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣𝗜𝗡:
• Barangay ID / Certification
• Company ID
• Cedula
• Police Clearance

𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔:
Dalhin ang ORIHINAL na valid ID at magsumite rin ng photocopy nito.

𝗔𝗻𝗴 𝗯𝗼𝘀𝗲𝘀 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗻𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗵𝗶𝗺𝗶𝗸.
𝗠𝗮𝗴𝗽𝗮𝗿𝗲𝗵𝗶𝘀𝘁𝗿𝗼. 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮. 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗯𝗼𝘁𝗼.

Sa bawat 𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴 nandyan ang walang kapantay na 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝘂𝗴𝗮, 𝘀𝗮𝗸𝗿𝗶𝗽𝗶𝘀𝘆𝗼, at 𝗽𝗮𝗴𝗴𝗮𝗯𝗮𝘆 ng 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗮. Isang espesya...
10/05/2026

Sa bawat 𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴 nandyan ang walang kapantay na 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝘂𝗴𝗮, 𝘀𝗮𝗸𝗿𝗶𝗽𝗶𝘀𝘆𝗼, at 𝗽𝗮𝗴𝗴𝗮𝗯𝗮𝘆 ng 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗮. Isang espesyal na araw para 𝗺𝗮𝗴𝗽𝘂𝗴𝗮𝘆, 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁, at 𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗻𝗶𝗻 ang 𝘀𝗮𝗸𝗿𝗶𝗽𝗶𝘀𝘆𝗼'𝘁 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝘂𝗺𝗯𝗮𝘀 na 𝗽𝗮𝗴𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹 na araw-araw ibinubuhos ng ating mga magigiting na 𝗶𝗹𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻 hindi lamang sa kani-kanilang mga anak, kundi pati na rin sa buong pamilya. 𝙆𝙖𝙮𝙤 𝙥𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙪𝙣𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙞𝙣𝙨𝙥𝙞𝙧𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙠𝙤𝙢𝙪𝙣𝙞𝙙𝙖𝙙. 🌻

Totoo nga ang kanta ni Moira, "𝙄𝙠𝙖𝙬 '𝙮𝙪𝙣𝙜 𝙠𝙪𝙢𝙥𝙖𝙨 𝙣𝙤'𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙡𝙞𝙡𝙞𝙜𝙖𝙬. 𝙄𝙠𝙖𝙬 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙪𝙡𝙖𝙮 𝙨𝙖 𝙡𝙖𝙣𝙜𝙞𝙩 𝙣𝙖 𝙗𝙪𝙜𝙝𝙖𝙬. 𝙎𝙖 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙗𝙖𝙜𝙮𝙤 𝙣𝙖 𝙙𝙪𝙢𝙖𝙮𝙤. 𝙄𝙠𝙖𝙬 '𝙮𝙪𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙣𝙡𝙪𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙝𝙖𝙣𝙖𝙥 𝙠𝙤." Dahil kahit gaano man kagulo ang mundo, kapag nandyan kayo, nagiging payapa at kalmado. 🤗

𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘢𝘯𝘰𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘦𝘴𝘵𝘢𝘥𝘰, 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘳𝘪𝘢𝘯, 𝘢𝘵 𝘶𝘳𝘪 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘢, 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘱𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘳𝘢𝘸-𝘢𝘳𝘢𝘸. 𝘚𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘱𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘩𝘪𝘯𝘨𝘢, 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘭𝘪𝘵, 𝘢𝘵 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘶𝘭𝘢𝘥.

𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗜𝗻𝗮! 🌷

𝙎𝙖 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙡𝙪𝙝𝙖 𝙣𝙖 𝙥𝙪𝙢𝙖𝙥𝙖𝙩𝙖𝙠, 𝙢𝙖𝙮 𝙠𝙬𝙚𝙣𝙩𝙤 𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙤 𝙣𝙖𝙠𝙞𝙠𝙞𝙩𝙖.Ang pag-iyak at paghingi ng tulong ay hindi kahina...
11/02/2026

𝙎𝙖 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙡𝙪𝙝𝙖 𝙣𝙖 𝙥𝙪𝙢𝙖𝙥𝙖𝙩𝙖𝙠, 𝙢𝙖𝙮 𝙠𝙬𝙚𝙣𝙩𝙤 𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙤 𝙣𝙖𝙠𝙞𝙠𝙞𝙩𝙖.

Ang pag-iyak at paghingi ng tulong ay hindi kahinaan, kundi paraan nang ang bawat bigat ay gumaan.

Ang tunay na kahinaan ay hindi ang kabataan kundi ang kabiguang unawain at suportahan ang pangangailangan ng kalusugang pangkaisipan, maling paniniwala, bulag na pag idolo sa mga politiko, ang huwad na pamumuno, at ang maling sistemang nagpapatakbo sa ating lipunan!

Saludo kami sa lahat ng kabataang dumaranas at lumalaban sa mahihirap na sitwasyon ng buhay! Tandaan natin, hindi kahinaan ang pag-iyak at pag-amin!

May mga araw talaga na kahit simpleng "Kumusta?" ay mahirap sagutin. At kung isa ka sa mga tahimik na lumalaban ngayon, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮 𝗺𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮.

Malakas ka at karapat-dapat ipagmalaki! Nagpapahinga ka lang para sa iba pang mga laban na mahalaga. Laban mo ito, pero hindi mo kailangang lumaban mag-isa.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗮𝘁 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻! 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮 𝗻𝗮𝗴-𝗶𝗶𝘀𝗮. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮 𝗻𝗮𝗶𝗶𝗯𝗮. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮 𝗺𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮!

𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗱𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗯𝗮𝗴𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗱𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻.

Panawagan para sa mas malawak na pag-aaral at pagpapaalam sa mga komunidad ukol sa mga usaping pang mental health.

Panawagan para sa mas maingat na pananalita at paggamit ng mga terminolohiya lalo na ng mga nasa posisyon na maaring magdulot ng pagmamaliit at kawalang respeto sa mga sitwasyong pinagdaraanan ng bawat indibidwal.



06/01/2026

𝗣𝗔𝗦𝗦 𝗞𝗢 𝟳 | 𝗕𝗨𝗞𝗟𝗨𝗥𝗔𝗡: 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗴𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗣𝘂𝘀𝗼 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝗻𝗱𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻, 𝗠𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗞𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻!

Mahigit isang linggo na ang nakalipas nang ating nasaksihan ang tamis ng mumunting mga ngiti at kislap ng mga mata ng mga kapatid nating Mangyan sa 𝗞𝗶𝘀𝗹𝗼𝘆𝗮𝗻 𝗠𝗶𝗻𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹, 𝗩𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿𝗶𝗮, 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼. Ngayon, ating balikan ang hindi matatawarang saya hatid ng isa na namang matagumpay na misyon.

Muli, maraming salamat po sa inyong mabubuting puso. 𝘔𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘵𝘪𝘭𝘪'𝘵 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺! 𝘏𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢'𝘵 𝘮𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘬𝘢𝘺𝘢𝘩𝘢𝘯, 𝘩𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘨𝘢 𝘱𝘶𝘴𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨-𝘶𝘶𝘮𝘢𝘱𝘢𝘸 𝘵𝘶𝘮𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘺 𝘥𝘶𝘮𝘢𝘭𝘰𝘺. 𝘐𝘺𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘪𝘴𝘺𝘰𝘯, 𝘮𝘪𝘴𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘨𝘩𝘰𝘺. 𝘗𝘢𝘨𝘣𝘶𝘣𝘶𝘬𝘭𝘶𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘭𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘪𝘴𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘢𝘳𝘪𝘯! ❤

Sumaatin po ang patuloy na pagpapala ng Panginoon.

𝘗𝘢𝘭𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘵𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯! 𝘔𝘶𝘭𝘪'𝘵 𝘮𝘶𝘭𝘪, 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘮𝘶𝘭𝘪! 🌻✨

Philippine Guardians Brotherhood, Inc.Victoria Chapter

No copyright infringement intended.




𝗣𝗮𝘀𝘀 𝗞𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗹𝗲𝘀𝘀𝗶𝗻𝗴𝘀 𝗞𝗼 𝟳 | 𝗕𝗨𝗞𝗟𝗨𝗥𝗔𝗡: 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗴𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗣𝘂𝘀𝗼 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝗻𝗱𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻, 𝗠𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗞𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻!𝘈𝘯𝘨...
01/01/2026

𝗣𝗮𝘀𝘀 𝗞𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗹𝗲𝘀𝘀𝗶𝗻𝗴𝘀 𝗞𝗼 𝟳 | 𝗕𝗨𝗞𝗟𝗨𝗥𝗔𝗡: 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗴𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗣𝘂𝘀𝗼 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝗻𝗱𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻, 𝗠𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗞𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻!

𝘈𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘮𝘪𝘴𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘵𝘢𝘰𝘯 𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘵𝘰𝘬 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘱𝘶𝘴𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘱 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯. ✨

Walang simple sa laruan, kapirasong damit, mga pagkain, o perang bukas palad na inilaan, kung ang bawat supot ay natatanging sisidlan, masaya ang bawat bata't pamilyang mababahaginan.

Kaya, mula sa bumubuo sa Usbong Kabataang Mindoreño, maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at nagbahagi ng pagmamahal at tulong upang matagumpay na maisagawa ang programang pitong taon na nating binagbubukluran.

Taos pusong pasasalamat po ang ipinaaabot namin sa 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗚𝘂𝗮𝗿𝗱𝗶𝗮𝗻𝘀 𝗕𝗿𝗼𝘁𝗵𝗲𝗿𝗵𝗼𝗼𝗱 𝗜𝗻𝗰𝗼𝗿𝗽𝗼𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 (𝗣𝗚𝗕𝗜) 𝗩𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿𝗶𝗮 𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 na naging katuwang ng UKM sa naganap na outreach program ngayong taon. Pasasalamat din po sa 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮 𝗖𝗲𝗿𝘃𝗲𝘇𝗮, 𝗩𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿𝗶𝗮, 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼, 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗩𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿𝗶𝗮, 𝗣𝗡𝗣-𝗩𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿𝗶𝗮 𝗠𝗣𝗦, 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗩𝗮𝗹𝗹𝗲𝘆, 𝗦𝗼𝗰𝗼𝗿𝗿𝗼 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼, 𝗞𝗶𝘀𝗹𝗼𝘆𝗮𝗻 𝗠𝗶𝗻𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹, 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗱𝗼𝗻𝗼𝗿𝘀 𝗮𝘁 𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗼𝗿𝘀, 𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿𝘀 𝗮𝘁 𝘃𝗼𝗹𝘂𝗻𝘁𝗲𝗲𝗿𝘀. Kayo po ay mga buhay na patotoo ng pagmamahal sa iba at kapwa sa larangan ng bolunterismo. Mananatili at magpapatuloy ang ating mga pusong nag-aalab sa pagbabahagi ng ngiti at pag-asa kasabay ng pagtindig para sa kabataan, bayan, at sa mas progressing kinabukasan. ❤

𝘔𝘶𝘭𝘢 𝘱𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘵𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘜𝘒𝘔, 𝘵𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘱𝘪𝘯 𝘱𝘰 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘢𝘣𝘰𝘵 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘶𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘢𝘸 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰𝘯 𝘢𝘵 𝘣𝘢𝘶𝘯𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘥𝘢𝘳𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘶𝘬𝘢𝘴. 𝘚𝘶𝘮𝘢𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘱𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯. 𝘗𝘢𝘭𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘵𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯! ✨

𝙆𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙣𝙖𝙣𝙖𝙩𝙞𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙧𝙩𝙚 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙜𝙨𝙞𝙨𝙞𝙡𝙗𝙞𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙣𝙙𝙞𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙖 𝙨𝙞𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙞𝙩𝙞𝙣𝙙𝙞𝙜 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣! 𝙈𝙪𝙡𝙞'𝙩 𝙢𝙪𝙡𝙞, 𝙝𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝙢𝙪𝙡𝙞! 🌻




Address

Happy Valley
Socorro
5207

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Usbong Kabataang Mindoreño posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Usbong Kabataang Mindoreño:

Share