11/06/2026
Inihahandog ng ๐ ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ'๐ ๐ ๐ฎ๐ป๐๐ป๐๐น๐ฎ๐ ๐๐ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ - Ang Panibagong Yugto ng Sulat Kolaborasyon 2023 | ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ญ ๐๐จ๐ฅ๐๐๐จ๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง: ๐๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ - Ang Pinakabagong Kabanata.
Ika-dalawampu't Siyam na Kabanata (29)
Mula sa Orihinal na Konsepto ni Jomel Salcedo
Sa Produksyon ng ๐๐๐ ๐ฆ๐ป๐ฒ๐ฝ๐ฒ๐ท๐ฐ ๐๐ฒ๐ต๐ถ ๐๐ฒ๐ฌ๐ฝ๐พ๐ป๐ฎ๐ผ at ๐ฆ๐๐ก๐๐ง๐จ๐๐,
Nagbabalik na, ang nag-iisang ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ญ ๐๐จ๐ฅ๐๐๐จ๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ, upang gunitain ang Hunyo 12, 1898 bilang Proklamasyon ng ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐๐ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐ ๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ธ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐.
๐ง๐๐ ๐: Ang Araw ng Kalayaan (o Araw ng Kasarinlan) ay ang pambansang pagdiriwang tuwing Hunyo 12 na gumugunita sa proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas mula sa mahigit tatlong daang taong pananakop ng Espanya. Opisyal itong idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898 sa kanyang tahanan sa Kawit, Cavite. Dito unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas at pinatugtog ang Marcha Filipina Magdalo, na kilala ngayon bilang Pambansang Awit ng Pilipinas. Ito ang araw kung kailan opisyal na ipinaglaban at ipinahayag ng mga Pilipino sa buong mundo na ang Pilipinas ay isang malayang bansa.,
๐ฃ๐๐ ๐๐๐๐ง: โ๐จ๐๐ ๐ผ๐๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐โ
Tulang Malaya
โ๐ป Liham ni Tracy
Kalayaan o kasarinlan ang tanong ng sambayanan,
Tanong na sinagot ng tapang ng ating mga kababayan.
Pilipinas, tila ibong nakawala sa hawla,
May pangarap na tahakin ang landas ng pag-asa.
Kung titingnan ang nakaraan at kasalukuyan,
Ganap na ba nating natamo ang kalayaan? Nakawala man sa kamay ng mga banyaga, Nabihag naman ng kasakiman at politika.
Kalayaan ang minimithi ng marami,
Ngunit panibagong tanikala ang ating napili. Patuloy nating ipinagdiriwang ang ating kasarinlan,
Habang may mga hamong humahadlang sa tunay na kalayaan.
Malaki ang utang natin sa kanilang kabayanihan,
Sa dugong inalay para sa ating kinabukasan. Kaya nararapat lamang itong pahalagahan, At ipagpatuloy ng kabataang susunod sa kanilang pinagdaanan.
โ๐ป Gale
Sa dilim ng mga siglo, bayan ay yumuko, Diwa'y ginapos ng dayuhang namuno. Tributo at dahas ang naging kapalaran, Pagdurusa't takot ang araw-araw na pasan.
Ngunit lumakas ang sigaw ng sambayanan, At tumindig ang mga bayaning may paninindigan.
Rizal at Bonifacio, dugo ang naging tinta,
Sa bawat sakripisyo'y kalayaan ang adhika.
Sa Balintawak at sa bawat himagsikan, Iwinagayway ang watawat ng kasarinlan. Pangarap na sariling bayan ay natamo, Pag-asang matagal nang inaasam ng Pilipino.
Hindi lamang sandata ang kanilang naging lakas,
Kundi pangarap na sa puso'y nagliyab nang wagas.
Kalayaan sa isip, sa wika, at sa gawa, Karapatang mamuhay nang may dangal at sigla.
Hindi man perpekto ang landas na tinahak, Mga sugat ng nakaraan ay ating pasan. Ngunit tayo ang humuhubog sa ating kinabukasan, At sumusulat ng bagong yugto ng kasaysayan.
Ang tunay na kalayaan ay hindi lamang alaala,
Kundi araw-araw na pagkilos at pagsisikap na dakila.
Itaas ang bandila sa puso at isipan, Sapagkat ang bayan ay malaya kung may pagkakaisa't tapang.
Kalayaan ng bayan, kalayaan ng diwa, Nagsisimula sa iyo, sa akin, at sa ating lahat.
!
โ๐ป Jomel Salcedo & Gale
Independensya, isang panaginip lamang noon,
Isang mithiin na paulit-ulit na isinisigaw ng mga Pilipino.
Matapos ang mahigit tatlong daang taong pakikibaka,
Iwinagayway ang watawat ng kalayaan sa ating bansa.
At iyon ang naging simula ng pagbangon, Ng pag-asa, pagkakaisa, at matatag na paninindigan.
Muling sumiklab ang diwa ng himagsikan sa buong kapuluan,
Na nagbuklod sa sambayanang naghahangad ng kasarinlan.
Naging sagisag ito ng lakas at pagkakaisa, Ng isang bayang handang ipaglaban ang kanyang kalayaan.
Ngayon, hinog na ang bunga ng ating kasarinlan,
Kaya huwag nating hayaang ito'y mabulok at mawalan ng kabuluhan.
Sa ating mga kamay nakasalalay ang kinabukasan,
Tungkulin nating ingatan ang pamana ng ating mga ninuno.
Upang ang kalayaang kanilang ipinaglaban at inalay,
Ay manatiling buhay sa puso ng bawat Pilipino.
โ๐ป Princess Advincula
Tatlong daang taon ng dilim at pagdurusa, Sa ilalim ng dayuhang kamay na mapaniil at malupit;
Ngunit sa puso ng bawat Pilipinong matatag, Patuloy na nagliyab ang hangaring maging malaya.
Asul na kulay ng kapayapaan at pag-asa, P**a na sagisag ng tapang at wagas na pagmamahal;
Ang araw na may walong sinag at tatlong bituin,
Patunay na ang Pilipinas ay muling bumangon.
Hindi ito nakamit sa salita lamang,
Kundi sa dugo, pawis, at buhay na inialay. Mula sa mga bayaning lumaban gamit ang tabak at pluma,
Hanggang sa mga nagbigay ng lahat para sa bayan.
Ang kalayaang tinatamasa natin ngayon,
Ay bunga ng kanilang sakripisyo at katapangan.
Kaya nararapat lamang na ito'y ating pahalagahan,
At ipamana nang buong dangal sa susunod na salinlahi.
Ang araw na ito'y paalala ng ating kasaysayan,
At unang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.
Huwag nating hayaang ito'y maglaho sa ating alaala,
Sapagkat ang kalayaan ay pamana ng ating mga ninuno.
โ๐ป MJ Moaรฑa
Sa paglipas ng panahon, kasaysayaโy sumisigaw,
Mga yabag ng bayani, patuloy na gumagalaw.
Sa bawat pintig ng puso ng isang Pilipino,
Kalayaan ay nananahanโdi kailanman naglaho.
Ngunit sa likod ng tagumpay na ating inaawit,
May tanong ang diwa na pilit sumisilip:
Tunay nga bang malaya ang ating bayan,
Kung tanikalaโy naroon pa rin sa kaisipan?
Hindi sapat ang watawat na iwinawagayway,
Kung ang dangal at prinsipyoโy unti-unting namamatay.
Kalayaan ay hindi lamang alaala ng nakaraan,
Kundi tungkulin nating buhayin sa kasalukuyan.
Tayo ang bagong yugto ng kasaysayan,
Mga tinig na dapat marinig ng sambayanan.
Ipaglaban, ingatanโang kalayaang minana,
Upang ang bukas ay hindi muling maging tanikala.
โ๐ป Lonely Writer 61
Sa sariling bayan tayo'y inalipin,
Kalayaan lamang ang ating taimtim na hiling. Ngunit ang liwanag na ating inaasam, Unti-unti pa ring nilalamon ng kadiliman.
Takot at pagdurusa ang ating naranasan,
Sa bawat araw ng pang-aapi at kawalan. Walang humpay ang pagluha at pananaghoy,
Hanggang kailan magtatagal ang ganitong pagdaloy?
Kailan natin ganap na makakamit ang kalayaan?
Kailan tayo makaaahon sa bangin ng karimlan?
Hanggang kailan magdurusa sa sariling bayan,
Na tila walang wakas ang ating pinagdaanan?
Nais kong abutin ang buwan at kalangitan, Ngunit paano kung ako'y patuloy na nahahadlangan?
Kung ako'y isang hamak lamang sa paningin, Na hirap makaangat sa putik ng suliranin?
Magiging malaya nga ba ako balang araw,
O mananatiling alipin ng takot at pangamba?
Naliligaw sa landas na dapat tahakin,
At naghihintay kung kailan matatapos ang ganitong pasanin.
Ngunit sa kabila ng lahat ng pagdurusa, Nananatiling buhay ang pag-asa.
Sapagkat ang kalayaan ay hindi lamang pangarap,
Kundi mithiin na maaabot sa pagtitiyaga at pagsisikap.
โข
โข
โข
โข
Heneral Emilio Aguinaldo, maraming salamat po sa iyong paglaban para sa kalayaan ng ating bansa, Saludo sa'yo El Presidente.
__________ TATAK MMPF __________
Rebisyon ni Gale C. Alburo, Jezzel Almoradie
Sertipiko, Patnugot ni Jezzel Almoradie, Jomel Salcedo
Larawan mula sa patnugot ni Donna Belle Lactason
Inaprobahan ni Jomel Salcedo โ Punong Tagapamahala/Tagapagtatag