30/04/2026
ISKO, DI NA LALAYO! PUP CAMPUS, TATAYO NA SA PAKIL! ⭐️❤️🔥
Pakil, Laguna — Good news para sa mga estudyante at magulang! Malapit nang magbukas ang bagong campus ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) sa bayan ng Pakil.
Itatayo ang bagong PUP campus sa loob ng compound ng dating Saint Peter of Alcantara (S**C), na inaasahang magiging sentro ng mas abot-kayang edukasyon sa silangang bahagi ng Laguna.
Dahil sa proyektong ito, mas mapapalapit na sa kabataan ng Pakil at karatig-bayan ang dekalidad na edukasyon na kilala sa PUP—na matagal nang tinaguriang “Iskolar ng Bayan.”
Inaasahan din na magbibigay ito ng dagdag oportunidad hindi lang sa mga estudyante kundi pati sa lokal na ekonomiya ng Pakil, mula sa mga negosyo hanggang sa trabaho.
Sa pagbubukas ng bagong campus, tila mas lalakas pa ang laban ng mga kabataan sa pangarap—hindi na kailangang lumayo, dahil ang PUP, paparating na sa Pakil! 🎓✨
📷 KaTravel PH