19/06/2025
SHS GRADUATE NA WALANG KASAMANG MAGULANG SA GRADUATION, SINAMAHAN NG ALAGANG A*O!
“Dogs are man’s best friend.”
Ito ang pinatunayan ng isang SHS graduate at ng kaniyang a*o, sa isang makabagbag-damdaming kuwento na pumukaw sa damdamin ng mga tao.
Sa halip kasi na magulang, ang alaga nitong a*o ang dumalo sa kaniyang graduation, na kaagad namang nag-viral sa social media.
Ito ang kuwento nina Jamaica Cabral, isang estudyante mula sa Tuguegarao, Cagayan, at ng kaniyang alagang a*ong si Browny.
“Si Browny po ang kasama ko mula pa noon. Wala man akong magulang na dumalo, sapat na po sa akin ang may isa akong kasama na mahal na mahal ako. Alam kong proud siya sa akin,” pagbabahagi ni Jamaica.
Malungkot man na walang kapamilya sa isa sa pinakamahahalagang araw ng kaniyang buhay, hindi ito inalintana ng batang babae, dahil sapat na umano ang presensiya ni Browny sa kaniyang pagtatapos. Dagdag ni Jamaica, wala na siyang ibang inaasahan kundi si Browny na araw-araw niyang kasama sa saya at kalungkutan.
Malambing at matalino, kinaaliwan naman ng ibang dumalo ang a*o dahil maayos at tahimik lamang itong nakaupo at naghihintay sa gilid. Nang tawagin ang pangalan ni Jamaica para umakyat sa stage, kusang sumunod si Browny, na tila alam na ang dapat nitong gawin.
Ayon sa mga g**o at staff ng paaralan, pinahintulutan na nilang dumalo ang a*o dahil maayos naman umano ang asal nito at hindi nakaiistorbo sa seremonya.
Tunay ngang “dogs are man’s best friend” — isa sa pinakatapat at pinakabusilak na nagmamahal sa atin nang walang hinihinging kapalit. Higit sa istorya ng pagtatapos, ang kwento nina Jamaica at Browny ay kwento ng walang hanggang pag-ibig, katapatan, at tunay na samahang pinanday ng saya, hirap, at sakripisyo.