05/05/2026
Amahan namon sa langit,
Kami po mula sa Hda. Marigasa ay buong pusong lumalapit sa Inyo upang ipanalangin si Tatay Inday.
Panginoon, kayo po ang dakilang manggagamot. Sa mga oras na ito na siya ay nasa ICU at dumaan sa mabigat na operasyon, hinihiling namin ang Inyong mapagpalang kamay na maghilom sa kanyang katawan. Bigyan ninyo siya ng lakas upang mapagtagumpayan ang sakit at hirap na kanyang pinagdaraanan.
Pawiin ninyo ang kanyang nararamdamang kirot, at punuin ninyo ang kanyang puso ng pag-asa at tapang. Gabayan ninyo ang mga doktor at nars na nag-aalaga sa kanya, upang maging maayos at mabilis ang kanyang paggaling.
Panginoon, yakapin ninyo rin ang kanyang pamilya ng inyong pagmamahal at kapayapaan sa gitna ng pagsubok na ito.
Buong pananampalataya naming hinihiling ang kanyang mabilis na paggaling.
Sa Inyong banal na pangalan,
Amen.