09/06/2025
Maligayang Araw ng Silang!
Ang ika-9 ng Hunyo ay gumugunita sa Pagsuko ng Pwersang Espanyol sa mga rebolusyonaryong SilangueΓ±o noong 1898.
Kadalasan dito ay may pagkalito at may pagkakamaling pagbubuod ng mga kaganapan.
Una, iba ito sa paglusob ni Vito Belarmino at Vicente Giron sa Kwartel ng mga Guardia civil upang mang-agaw ng armas. Ito ay unang naganap noong ika-2 ng Setyembre 1896. Ang unang pagbalikwas ng mga SilangueΓ±o laban sa kolonyang pamamahala.
Pangalawa, Hindi rin ito ang labanan ni Vito Belarmino Kasama ang maraming rebolusyonaryo sa plaza makabayan. Ang paglusob ng mga Espanyol ay noong ika-16 ng Pebrero 1897. Ito ay naganap bilang ganti sa kanilang pagkatalo noong 1896 at ang pag-aaklas ng buong probinsya ng Cavite laban sa kanila. Natalo man ang ating pwersa at sinunog ang ating bayan, subalit hindi namatay ang nag-aalab na damdamin para makalaya.
Ang Ika-9 ng Hunyo ay naganap nang bumalik ang mga Rebolusyonaryo mula HongKong. Ginamit Nila ang nakuhang damnyos mula sa pamahalaang Kolonya upang bumili ng armas at subukan muling makipaglaban. Ang salaping natanggap nila ay kalimitang sinasabi na naging bayaran sina Aguinaldo at mga Kasama nito, Kasama si Belarmino. Subalit sila ay bumalik at sinabukan muling labanan ang pamahalaang kolonya.
Mula sa katapusan ng Mayo ay intake muli ng mga Taga Silang ang pwersa ng mga Espanyol. Ang mga ito ay sumuko sa mga rebolusyonaryong SilangueΓ±o na pinamumunuan ni Maj.
Lazaro Quiamzon noong ika-8 ng Hunyo 1898. Sinasabi na ang Malaking dahilan ang kawalan ng pagkain at pagkalagas ng maraming Espanyol sa kanilang pagsuko. Ang mga sumukong opisyales kolonyal ay binubuo nina Major Juan Aranas y Gueltas; Kapitan Casimiro Avisanda at Mariano de Juan ; Captain and Quartermaster and Comissary Department Matias Vilo Beltran; Lieutenant Diego Brin Gomez; Surgeon of the Medical Corps Lieutenant Juan Lopez Vicencio, Francisco Sheer Linas, Victoriano Vecino de la Fuente, Enrique OcΓ³n Rivera, Ezequiel Martin Sants at Francisco Camposano Malaguilla; at Lieutenant Toribio Cristobal Sans ng Guardia Civiles; tatlong sarhento, apat na mga korporal, dalawang buglers, apat na privates of the first class, isandaan at dalawamput dalawa of the Second Class, at isang sarhento ng guardia civiles. Sa salita man o sa gawa walang minaltrato isa man sa mga nagsisuko. Hindi sila pinaghubad ni kinunan ng kanilang ari-arian.
Ang Acta de Capitulacion o Ang dokumento ng pagsuko na nagsasaad ng mabuting pagtrato ng mga Pilipino partikular ng mga SilangeΓ±o ay nilagdaan noong ika-9 ng Hunyo.
Isang kopya nito ay inilagak ng Silang Historical Society sa Silang Municipal Library upang nabasa ng nakakarami.
Ito ay may labing-isang (11) opisyales ng mga Espanyol at walong (8) mga Pilipino na kabilang sa mga line officers of the dictatorial army sa bayan ng Silang tulad nina: Lazaro Quiamzon, Vicente Loyola, JosΓ© Anciro, Pedro Velasco, Vicente Giron, Agaton Ambata, Victor Quiamzon at Esteban Belamide.
Ito rin ay naglalaman ng Mga Nasamsam na Armas bilang imbentaryo at mga gamit din ng Simbahan na kanilang nakuha.
Ang araw ng Silang, gayong bunga ng maraming araw ng pakikipaglaban ay araw din ng mapayapang pagsuko at pagkilala sa kabutihang loob ng mga Taga-Silang na hindi nito minaltrato ang kalaban sa pagsuko nito. Ito ay nagpapakita ng mabuting kalooban ng ating mga ninuno na nagnanais lamang na lumaya at pamahalaan ng sariling bayan.
Ang araw ng Silang gayong nakukubli sa nining ng selebrasyon ng Kalayaan tuwing ika-12 ng Hunyo sa Kawit ay araw na nagsilbing ningas sa damdaming makabayan. Mula sa tagumpay sa Alapan noong ika-28 ng Mayo, ang wagayway ng Watawat sa Cavite Puerto, ang pagtaas nito sa Bacoor noong katapusan ng Mayo, Kasama ang Bayan ng Silang sa paglalakbay tungo sa Kalayaan ng Bayan, ng Bansang Pilipinas.
Acta de Capitulacion
Unabia, Teresita. Silang: Kasaysayan at Pananampalataya.