10/07/2026
Project Lawa at Binhi Lucsuhin | Ang Unang Kwento β¨π±
Sa Unang Taon, Tayo at sa ating mga unang miyembro - maraming salamat po! Dito nag-umpisa ang ating kwento:
Mula sa unang paglapit sa lawa, paghahanda ng lupa, pagtatanim ng unang binhi, hanggang sa pagtitiis sa init at hirap na walang kasiguraduhan noon. Kayo/Tayo ang naglatag ng pundasyon, tayo ang nagbigay ng unang pag-asa para sa PLAB Lucsuhin. Salamat sa dating miyembro π€π±
Ngayon, patungo na tayo sa Ikalawang Taon, kasama na ang ating mga bagong miyembro na kusang-loob na sumama sa layunin. Ipagpapatuloy natin ang inyong nasimulan - hindi lang basta pagtatanim, kundi patuloy na pag-aalaga, pagbabantay, at pagtutulungan nang walang iwanan. Ang inyong simula ay ating palalawakin; ang inyong pagod ang syang ating inspirasyon nang bawat isa at sama-sama sa ating layunin para sa PLAB Lucsuhin. π€β¨
Mula sa iilang binhi, ngayon ay lumalago na ang ating pamilya. Para sa ating lawa, para sa ating lupa, at para sa susunod na taon - tuloy ang laban, tuloy ang pagkakaisa! ππ±