23/05/2020
https://www.facebook.com/191299691215712/posts/1162328124112859/
Mayo 23 2020
Sabado sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 18, 23-28
Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol
Matapos tumigil sa Antioquia nang kaunting panahon, si Pabloây muling naglakbay. Binaybay niya ang mga bayan sa lupain ng Galacia at Frigia, at pinatatag sa pananampalataya ang mga alagad.
Dumating sa Efeso ang isang Judiong nagngangalang Apolos na ipinangangak sa Alejandria. Mahusay siyang magtalumpati at maraming alam sa Banal na Kasulatan. Naturuan siya tungkol sa Daan ng Panginoon, at masigasig na nangangaral at nagtuturo nang wasto tungkol kay Hesus, ngunit ang binyag na nalalaman niya ay ang binyag ni Juan. Siyaây walang takot na nagsalita sa sinagoga ng mga Judio. Narinig ng mag-asawang Aquila at Priscila ang pagpapaliwanag ni Apolos, kayaât isinama nila ito sa bahay nila at dooây ipinaliwanag na mabuti ang mga bagay na hindi pa niya alam tungkol sa Daan ng Diyos. At nang ipasiya niyang tumawid sa Acaya, pinalakas ng mga kapatid ang kanyang loob. Sumulat sila sa mga kapatid doon na malugod nilang tanggapin si Apolos. Pagdating doon, malaki ang naitulong niya sa mga nanampalataya sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Diyos. Sapagkat walang magawa sa kanya ang mga Judio sa hayagang pagtatalo, at mula sa mga Kasulatan ay pinatunayan niyang si Hesus ang Kristo.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 46, 2-3. 8-9. 10
Tugon: Hari ng sangkalupaan, Dâyos na Makapangyarihan.
Magdiwang ang lahat ng mga nilikha,
pumalakpak kayong may awit at tuwa,
bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila!
Ang Diyos na P**n, Kataas-taasan,
ay dakilang haring dapat katakutan,
siyaây naghahari sa sangkatauhan.
Tugon: Hari ng sangkalupaan, Dâyos na Makapangyarihan.
Ang Diyos, siyang hari ng lahat ng bansa,
awitaât purihin ng mga nilikha!
Maghahari siya sa lahat ng bansa,
magmula sa tronong banal at dakila.
Tugon: Hari ng sangkalupaan, Dâyos na Makapangyarihan.
Sa mga hinirang ng Diyos ni Abraham,
sasama ang madlang mga pamunuan
ng lahat ng bansa sa sandaigdigan;
ang mga sandata ng lahat ng kawal,
lahat ay sa Diyos na hari ng tanan.
Tugon: Hari ng sangkalupaan, Dâyos na Makapangyarihan.
ALELUYA
Juan 16, 28
Aleluya! Aleluya!
Mula sa Ama si Kristo
at naparito sa mundo
nang sa langit dalhin tayo.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 16, 23b-28
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: âTandaan ninyo: anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa inyo. Hanggang ngayoây wala pa kayong hinihingi sa kanya sa pangalan ko; humingi kayo, at kayoây tatanggap, upang malubos ang inyong kagalakan.
âAng mga itoây sinabi ko sa inyo nang patalinghaga. Subalit darating ang panahon na hindi na ako magsasalita sa inyo nang gayun; tuwiran ko nang sasabihin sa inyo ang tungkol sa Ama. Sa araw na yaoây hihingi kayo sa kanya sa aking pangalan; at hindi ko sinasabi sa inyo na dadalangin ako sa Ama para sa inyo, sapagkat iniibig nga kayo ng Ama. Iniibig niya kayo sapagkat akoây iniibig ninyo at naniwala kayong nagmula ako sa Diyos. Akoây mula sa Ama at naparito sa sanlibutan; ngayoây aalis ako sa sanlibutan at babalik sa Ama.â
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.