19/06/2026
Tumanggap ng educational assistance ang mga estudyanteng miyembro ng Pag-asa Youth Association of the Philippines (PYAP) – Sasmuan, Pampanga Chapter bilang suporta sa kanilang pag-aaral at kinabukasan.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Mayor Catalina Cabrera ang mga kabataan na pagbutihin ang kanilang pag-aaral, maging responsable, at ipagpatuloy ang pagsisikap upang makamit ang kanilang mga pangarap.
Patuloy ang lokal na pamahalaan sa pagsuporta sa mga programang nagbibigay ng oportunidad at inspirasyon sa kabataang Sasmuaneño.