31/12/2024
Umaga ng Disyembre 30, 2024, nang maganap ang makasaysayang Grand Alumni Homecoming ng Gov. Anacleto C. Alcala National High School (GACANHS). Mula batch 2007-2008 hanggang batch 2023-2024, nagtipon-tipon ang mga alumni para sa isang araw ng pagbabalik-tanaw, kasiyahan, at pagdiriwang na puno ng alaala.
Sinimulan ang okasyon sa makulay na motorcade. Suot ang kani-kanilang batch colors, masayang nagparada ang mga alumni mula GACANHS patungo sa TR4 Concepcion Pinagbakuran Sariaya Quezon pabalik ng GACANHS.
Matapos ang motorcade, nagtipon ang lahat para sa isang banal na misa bilang pasasalamat sa pagkakaibigang nabuo sa GACANHS at panalangin para sa magandang kinabukasan.