15/06/2026
πππππππ, ππππππ πππ ππππ ππ
ππππ π
ππππππππ ππππππππππππ
πππππ ππππππ, πππππ ππ πππ 2 ππππ
ππππππ ππππππ ππ ππππππ ππππππππ
Sentro sa naging tradisyunal na flag raising ceremony ngayong Lunes, Hunyo 15, 2026, sa harapan ng Municipal Building ng Sariaya ang pagtalakay sa kahalagahan ng commitment sa serbisyo publiko, kasabay ng pagbabahagi ng mga bagong tagumpay sa pamahalaang lokal.
Pinangunahan ni Municipal Budget Officer Erick Lorena ang pagbabahagi ng Values and Word for the Week kung saan binigyang-diin niya na ang commitment ay hindi lamang basta salita, kundi isang pagpapahalaga na nagpapakita ng pananagutan, integridad, at malasakit sa gawaing pampubliko. Ayon kay Lorena, ang commitment ang nagsisilbing pundasyon ng mabuting pamamahala at mahusay na paglilingkod na nagtutulak sa mga kawani na gampanan ang kanilang tungkulin nang may kahusayan at katapatan.
Idinagdag pa niya na ang tunay na commitment ay nasusukat sa gawa at kakayahang tumupad sa pangako sa kabila ng mga hamon, na may layuning makapaghatid ng positibong pagbabago at pag-unlad para sa buong bayan ng Sariaya. Dahil dito, isang hamon ang iniwan niya para sa linggong ito na palakasin ang personal at kolektibong commitment ng bawat isa sa trabaho, komunidad, at pananagutan.
Samantala, naghatid naman ng mahahalagang anunsyo si Municipal Administrator Randy L. Tronila, kabilang ang pagpapakilala sa bagong DILG MLGOO ng bayan na si Ms. Remilie A. Orivida.
Masaya ring ibinalita ni Tronila ang panibagong karangalan para sa lokal na pamahalaan matapos tanghalin si Mayor Marivic T. Gayeta bilang Top 2 Performing Mayor sa buong Lalawigan ng Quezon, base sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Pulse Asia Philippines.
Bukod sa natatanging pagkilalang ito kay Mayor Gayeta, ipinagmalaki rin ni Tronila ang pagiging bahagi ng Lokal na Pamahalaan ng Sariaya sa 2025 Seal of Good Financial Housekeeping, na nagpapatunay sa tapat at maayos na pangangasiwa sa pondo ng bayan.