04/07/2026
๐ต๐ญ๐ DEKADA NG BATAS, HINDI DAHAS! ๐ฑ
Ngayong Hulyo 4, 2026, isang karangalan para sa inyong lingkod na makiisa sa Mangrove Tree Growing, Coastal Clean-Up, at Outreach Program na ginanap sa Brgy. Manggalang-Kiling, Sariaya, Quezon bilang bahagi ng West Philippine Sea (WPS) Advocacy Campaign para sa paggunita ng ika-10 anibersaryo ng 2016 South China Sea Arbitral Award.
Bilang Chief of Operations ng REACT Philippines Inc. โ Hermano Puli Sariaya Elite Group, ipinagmamalaki kong pangunahan ang deployment at operasyon ng aming team sa field. Kasama ko sa misyong ito sina Sir Niel, Maโam Afe, at Maโam Joy, na walang sawang naglaan ng oras at serbisyo para sa ikabubuti ng ating komunidad at kalikasan.
Hindi lamang ito simpleng pagtatanim ng bakawan at paglilinis ng baybayin. Isa rin itong pagpapakita ng ating pagmamahal sa kalikasan, pakikiisa sa pangangalaga ng ating yamang-dagat, at suporta sa adbokasiyang nagsusulong ng kapayapaan, batas, at soberanya ng ating bansa.
Maraming salamat sa 2nd Civil Relations Group (CMOC, AFP), Southern Luzon Command, at sa lahat ng organisasyon at mga boluntaryong naging bahagi ng makabuluhang gawaing ito.
Ang tunay na paglilingkod ay hindi lamang nasusukat sa salita, kundi sa mga gawaing may pangmatagalang pakinabang para sa bayan, sa kalikasan, at sa susunod na henerasyon.
๐ซก Service Above Self. Para sa Kalikasan. Para sa Bayan. Para sa Pilipinas. ๐ต๐ญ