23/04/2026
Anong meron kami na wala sa iba?
San Pablo GreeNayon SLP Association ay isang samahang subok na ng panahon, naninindigan sa matatag na samahan pinagbubuklod ng mga gulay.... 🤩 🍆 🌶
Meron pa, ang aming mga tanim ay hindi alaga sa purong kemikal, may kakayahan kaming gumawa ng mga natural na abono at pesticide. Kami ay may sariling vermi compost (African Night Crawler) mga inaalagaang 🪱 worm na gumagawa ng organic na pataba, nagamit kami ng mga hinog na prutas, dahon ng gulay para makagawa ng organic na pataba at pamatay- insekto. 🙂
Ang mga ani namin ay iba man sa mga 1st class na nabibili sa palengke sigurado naman kami sa sustansyang hatid nito na hindi banta sa ating kalusugan. Ang aming samahan ay lubos na nagpapasalamat sa mga taong nagtitiwala at sumusuporta sa aming ani. Maraming salamat po, galing sa samahan ng .