29/11/2023
Kamakailan lang ay nagsagawa ng paggawad ng mga sertipiko ng pagkilala para sa mga natatanging Sangguniang Kabataan Council sa lungsod ng Sto. Tomas kung saan natampok ang mga proyektong inilunsad para sa pag-unlad ng mga kabataang tomasino. At hindi nagpahuli ang ating barangay-SK Pob. 4 Batch 2018-2023.
Ang mga sumusunod na parangal ay hindi magiging posible kundi dahil sa inyong walang sawang suporta at kooperasyon, mga kabataan:
-Outstanding Sangguniang Kabataan Council
-Monthly Clean up Drive( sa larangan ng Environment)
-pagkilala sa angking husay bilang SK Chairperson: Hon. Mark Kenedy Garcia
-pagkilala sa sinumpaang tungkulin bilang SK kagawad: Hon. Vincent Bajamundi
Ang inyong mga lingkod, Hon. Mark Kenedy Garcia(SK Chairperson), Hon. Sheena Marie De Chavez, Hon. Celine Hernandez Datu, Hon. Perry Paula Del Prado, Hon. Vincent Bajamundi, Hon. Paul Eugene Bajamundi, Hon. Kenneth Ferrer at Hon. Marcopolo Gonzales(SK Councilors), Ms. Marilee Marin(SK Secretary) at Mr. Carlo Tolentino(SK Treasurer) ay muling nagpapasalamat sa mga nakiisa at nagtiwala sa aming mga proyekto mula 2018 hanggang 2023. Nawa'y patuloy nating itaguyod ang ating mga kagalingan sa iba't ibang larangan at suportahan ang mga aktibidad ng mga kasalukuyang SK Council.