19/05/2025
โ๐ผ๐
Mga minamahal kong Tomasino,
Buong puso po akong nagpapasalamat sa suporta at tiwala ninyo nitong nakaraang halalan.
Bagamaโt hindi inaasahan ang naging resulta, patuloy po tayong kumikilos nang naaayon sa batas at prosesoโpara sa katotohanan, para sa katarungan, at para sa kapanatagan ng bawat Tomasino. Hindi po tayo titigil hanggaโt wala pang linaw sa mga isyung bumabalot sa halalang ito.
Alam kong maraming nagtangkang pigilan ang pagbaba ng mga ballot boxes noong gabi ng eleksyonโtensyonado, puno ng emosyon, at hirap tanggapin ang resulta. Bumaba pa nga ang mga SWAT sa ating bayan. Ngunit tayo na mismo ang tumawag at umawat sa ating mga lider upang pairalin ang mahinahong pagharap sa sitwasyon. Hindi ko gugustuhin na may masaktan o magsakripisyo. Marami pa tayong mapayapang paraan upang makamit ang katarungan.
Nauunawaan ko pong naging matindi ang damdamin ng bawat isa. Kaya akoโy taos-pusong humihingi ng paumanhin kung ako man ay nakapagsalita ng hindi nararapat higit lalo sa ating mga g**o na nag-alay ng kanilang oras at buhay para sa ating halalan. Dala ito ng pagkabigla at bigat ng pangyayari. Sa kabila nito, ang aking panawagan ay nananatiliโpagkakaisa at respeto sa isaโt isa.
Sa ngayon, at tulad ng ating nasimulan, patuloy ang ating paglilingkod sa abot ng ating makakayaโbilang isang ordinaryong Tomasino na walang ibang hangad kundi ang kapakanan ng kanyang kapwa.
Maraming salamat po. Patuloy tayong lalakad sa landas ng pag-asa, pagkakaisa, at paninindigan.
Hanggang sa muli, mga Tomasino.