Psychology Society (PUP-STBC)

Directions Website Contact the organization

Psychology Society (PUP-STBC) The academic organization of BS Psychology students in Polytechnic University of the Philippines Sto Tomas Campus

To conclude our Freshman Orientationโ€”Psych Story: One Journey. One Community. One Future., we would like to extend our h...
13/09/2026

To conclude our Freshman Orientationโ€”Psych Story: One Journey. One
Community. One Future., we would like to extend our heartfelt gratitude to everyone who contributed to the success of our event. From the pre-event preparations to the event itself, we are incredibly grateful to all the participants, volunteers, and everyone who worked behind the curtains to make everything possible.

To open up those curtains and shine a light on the people who supported us along the way, we would also like to give a special appreciation to our generous sponsors for this event:

๐Ÿ” Jame Canteen
โ˜• Marahuyo Cafe & Resto
๐Ÿฅค Harvey's Cafe

Your support made the journey even more meaningful for both our Psychology Freshies and everyone who took part in the event.

Thank you so much for being part of our Psych Story, dear sponsors ! ๐Ÿ€





๐ŸŽจ: araw

Mapagpalaya ang Pelikulang Pilipino sapagkat iniluwal ito ng mapagpalayang isip mula sa sinapupunan ng lipunan. At ngayo...
12/09/2026

Mapagpalaya ang Pelikulang Pilipino sapagkat iniluwal ito ng mapagpalayang isip mula sa sinapupunan ng lipunan. At ngayong Pambansang Araw ng Pelikula, atin itong pinagpupugayan.

Tanda mo pa ba ang Film Showing ng Iskolohiya Productions at PsychWrites Guild na hindi natuloy dahil sa reaktibong kanselasyon ng mga klase noong nakaraan? Patunay lamang ito ng sistemikong dahilan kung bakit hindi nagiging aksesible ang pelikula sa masa.

Bagaman talamak ang impluwensiya ng mga dayuhan sa ating kultura, mahalaga ang papel ng sining at pelikula upang palayain ang sarili mula sa lilom ng malakolonyal na tipo ng lipunan. Tulad ng ilang paghihinuha mula sa naging mga produksyon ng departamento, hindi maihihiwalay ang ningas ng sining sa danas ng mga estudyante, ng mamamayan, at ng kasalukuyang kalagayan ng lipunang tila nakalubid sa katahimikan. Lahat ng ito ay silang tanaw sa lente ng Sikolohiya, kaya bilang alagad nito, tungkulin natin ang magkuwento. Ngayon, atin munang balikan ang kamakailang proyekto ng komite, na siyang nanakawan ng pagkakataon upang masaksihan noon.

Para sa sama-samang pag-aaral at paglikha! Mula sa lente ng Sikolohiya, para sa malaya at mapagpalayang pelikulang Pilipino!

๐ŸŽฌ Sa Lilom ng Entablado, 2025
๐Ÿ“Žhttps://www.facebook.com/share/v/1DVRzkJud1/

๐ŸŽฌ Sining ang Sinag ng Ningas, 2026
๐Ÿ“Ž https://www.facebook.com/reel/2689711011409487/?mibextid=rS40aB7S9Ucbxw6v

๐ŸŽฌ Strings of Silence, 2026
๐Ÿ“Ž https://www.facebook.com/share/v/1HJYci5hSE/







โœ’๏ธ: Gon
๐ŸŽจ: Juli & Rin

๐—ฃ๐—ผ๐—ผ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ฃ๐˜€๐˜†๐—ฐ๐—ต ๐—ฆ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜†: ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐˜‚๐˜„๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐— ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ถ๐—ฎ๐—ป Ang mga larawang ito ang mga sandaling nasagip ng ating m...
11/09/2026

๐—ฃ๐—ผ๐—ผ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป

๐—ฃ๐˜€๐˜†๐—ฐ๐—ต ๐—ฆ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜†: ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐˜‚๐˜„๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐— ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ถ๐—ฎ๐—ป

Ang mga larawang ito ang mga sandaling nasagip ng ating munting photobooth , mga mukha at ngiting sa isang kisap ng lente ay tila napahinto sandali ang pagdaloy ng panahon. Mga larawan ito ng mga Sikolohistang nagsisimula pa lamang tumahak sa sariling landas at mag-iwan ng unang bakas sa ating unibersidad, mga kabataang may dalang mga pangarap at pagnanais na gawing makabuluhan ang kanilang pagsisimula, at mga taong handang umagapay at maging gabay sa unang yugto ng kanilang paglalakbay. Sa likod ng bawat larawan ay may sari-sariling gunamgunam, agam-agam, pananabik, at mga pangarap na unti-unting bibigyan ng hugis habang patuloy nilang kinikilala ang kanilang sarili, ang mga taong makakasama nila, at ang landasing tatahakin sa mga darating na panahon.

Sa bawat kuhang larawan ay may isang sandaling maaaring tila payak lamang ngayon, ngunit balang araw ay maaaring maging mahalagang gunita. Isang ngiti na maaaring muling maghatid ng init sa gunamgunam, isang titig na magpapaalala ng mga taong minsang nakasabay, at isang payak na tagpo na magiging bakas ng panahong tayo ay nagsisimula pa lamang.

Sa pagpasok sa panibagong yugto, hindi natin agad batid kung saan hahantong ang bawat yapak. May mga landasing magiging payapa, mayroon ding haharap sa salimuot. May mga araw na mapupuno ng tuwa at dagitab ng sigla, at mayroon ding mga panahong mangangailangan ng tibay upang mapawi ang panaghoy at pangamba. Ngunit sa pagitan ng lahat ng ito, may mga taong darating, mga pagkikitang mananatili, at mga munting sandaling unti unting huhubog sa kung sino tayo.

Kaya't hayaang manatili ang mga larawang ito bilang munting saksi sa simula.

Sapagkat bago maging alaala ang isang yugto, minsan muna itong isang sandaling hindi natin batid na mahalaga pala.

At marahil, pagdating ng panahong malayo na ang ating narating, ang mga larawang ito ang magbabalik sa atin sa isang pook na minsang naging tahanan ng ating mga unang hakbang, unang pagkikita, unang pangarap, at unang mga kuwento.

Ito ang panimula ng istorya ng mga sikolohista, ang munting pagtatala ng mga mukhang minsang nagsimulang mangarap, tumuklas, makibahagi, at humubog ng sariling landas sa ating pamantasan.







โœ’๏ธ: Khai
๐ŸŽจ: Cel

๐Ÿงธ๐Ÿ’š YOUโ€™VE GOT A FRIEND IN ME, FRESHIES!Noong September 5, 2026, matagumpay na isinagawa ang Psychology Society First-Yea...
11/09/2026

๐Ÿงธ๐Ÿ’š YOUโ€™VE GOT A FRIEND IN ME, FRESHIES!

Noong September 5, 2026, matagumpay na isinagawa ang Psychology Society First-Year Orientation 2026 with the theme โ€œPSYCH STORY: One Journey. One Community. One Future.โ€

Higit pa sa isang orientation, naging pagkakataon ito para sa ating mga freshies na makilala ang isaโ€™t isa, magkaroon ng bagong kaibigan, at maging bahagi ng Psychology community. Sa ibaโ€™t ibang activities, team-building challenges, at performances, nasaksihan ang kanilang talento sa pag-arte, pagkanta, at pagsayaw, pati na rin ang kanilang teamwork at pagiging game sa bawat activity.

Sa bawat tawanan, pagtutulungan, at mga bagong karanasan, nabuo ang mga alaala na magiging bahagi ng kanilang unang hakbang bilang Psychology students. At tulad ng Toy Story, maaaring magkakaiba ang bawat kwento at pangarap, ngunit mas nagiging makabuluhan ang bawat adventure kapag may mga kaibigang kasama sa paglalakbay.

One journey. One community. One future. Sama-sama nating simulan ang kanilang PSYCH STORYโ€“isang journey filled with new friendships, learning, growth, and countless memories.

Welcome to the Psychology Society, Freshies! Youโ€™ve got a friend in the Psychology Society. ๐Ÿค โญ






๐Ÿ–‹๏ธ : Lui
๐ŸŽจ: Ara
๐Ÿ“ท : Lovi, Josh, Mai, Khai, Cel, Raezy & Sharpy

May mga pusong natututong manahimik sapagkat hindi na nila alam kung paano isasatinig ang bigat na kanilang pasan.May mg...
10/09/2026

May mga pusong natututong manahimik sapagkat hindi na nila alam kung paano isasatinig ang bigat na kanilang pasan.

May mga gabing ang dilim ay tila walang hanggan.
May mga umagang dumarating na mabigat pa rin ang dibdib.
May mga ngiting maingat na isinasabuhay upang walang makapansin sa lumbay na nakukubli sa likuran nito.

Hindi lahat ng sugat ay nakikita.
Hindi lahat ng pagod ay naipapahinga.
At hindi lahat ng humihingi ng saklolo ay may lakas pang magsabi na sila ay nangangailangan nito.

Kaya sa panahong ito, nawaโ€™y matuto tayong makinig maging sa mga salitang hindi binibigkas. Makiramdam sa mga katahimikang may kinikimkim. At higit sa lahat, manatili sa tabi ng kapwang unti unti nang nanghihina.

Sapagkat marahil, hindi naman palaging kailangan ng pusong nagdurusa ng payo. Kung minsan, kailangan lamang nitong maramdaman na may isang taong hindi natatakot sumabay sa kaniyang dilim.

Isang taong makikinig.
Isang taong mananatili.
Isang taong magsasabing, โ€œHindi kita iiwan sa gabing ito.โ€

Ngayong Su***de Prevention Month, alalahanin nating ang paglingap ay maaaring magsimula sa isang payak na โ€œKumusta ka?โ€ at sa tunay na pagnanais na marinig ang kasunod nitong sagot.

Kung ang isang tao ay nawawala sa sariling dilim, maging munting tanglaw tayo. Hindi upang agawin ang kaniyang sakit, kundi upang ipaalala na may landas pang maaaring tahakin palabas nito.

At kung ikaw man ang pusong pagod na pagod na sa paglalakbay, huminto ka muna.

Hindi mo kailangang malaman agad kung saan hahantong ang bukas.
Hindi mo kailangang buhatin ang buong daigdig ngayong araw.
Hindi mo kailangang maging matatag sa bawat sandali.

Manatili ka muna.

May bukang liwayway na hindi pa sumisilip sa iyong mga mata.
May mga araw na hindi pa dumarating.
May mga yakap na hindi mo pa natatanggap.
May mga alaala pang hindi mo pa nalilikha.
At may bahagi ng iyong kuwento na hindi pa naisusulat.

Huwag nating hayaang ang isang madilim na kabanata ang maging wakas ng buong salaysay.

Ngayong buwan, piliin nating maging kapwa.
Makinig tayo. Makiramdam tayo. Dumamay tayo. Manatili tayo.

Sapagkat sa mundong kay daling maging bingi sa tahimik na pagdurusa, ang pagpiling makinig ay isang uri ng paglingap. At kung minsan, ang isang pusong handang manatili ay sapat upang may isa pang pusong makahanap ng dahilan upang magpatuloy.

Kung ikaw o isang taong kakilala mo ay nangangailangan ng kausap o agarang tulong, huwag mag atubiling humingi ng saklolo.

โ€”

PMHA Batangas Chapter
A. Bonifacio St., Brgy. 10, Lipa City, Batangas
[Smart/TNT] 09293358927
[Globe/TM] 09676423610
Office Hours: Monday to Friday (8AM to 5PM)

National Center for Mental Health Crisis Hotline
1553 (Luzon-wide landline toll-free)
Globe/TM: 0917-899-8727 | 0966-351-4518
Smart/Sun/TNT: 0908-639-2672

Hopeline PH: 0918-873-4673 / (02) 8804-4673

Sa gitna ng pinakamahabang gabi, nawaโ€™y may maging tanglaw.
Sa gitna ng pinakamabigat na lumbay, nawaโ€™y may maging kapwa.
At sa sandaling tila wala nang bukas, nawaโ€™y may isang tinig na marahang magsabi,
โ€œManatili ka. May umagang naghihintay sa iyo.โ€

***dePreventionMonth2026




โœ’๏ธ: Khai
๐ŸŽจ: Rin

A New Milestone, A New Achievement! ๐ŸŒŸThe PUP-STC Psychology Society extends its warmest congratulations to our fellow Si...
08/09/2026

A New Milestone, A New Achievement! ๐ŸŒŸ

The PUP-STC Psychology Society extends its warmest congratulations to our fellow Sikolohistas who have successfully passed the August 2026 Certified Human Resource Associate (CHRA) Examination by the Human Resource Educators Association of the Philippines (HREAP).

๐Ÿ… Candelaria, Mark Anthony Umali
๐Ÿ… Garcia, Rouen Jude Ramat
๐Ÿ… Goting, Francine Nicole Magbuhos
๐Ÿ… Gregas, Nerilyn Manalo
๐Ÿ… Mansanero, Vhea Marie Acula
๐Ÿ… Tolentino, Keanu Divina

This achievement is a testament to your dedication, perseverance, and commitment to further developing your knowledge and skills in the field of Human Resource Management. May this milestone serve as another stepping stone toward the many opportunities and accomplishments that await you.

Your PUP-STC Psychology Society family is truly proud of you! May you continue to carry the spirit of a Sikolohistang may puso, galing, at paninindigan wherever your journey takes you.

Once again, congratulations, CHRA passers! May you continue to grow, thrive, and make a meaningful difference in the people and communities you serve. โœจ

Lagiโ€™t lagi para sa sikolohiyang malayaโ€™t mapagpalaya at lipunang mapagkalinga! ๐Ÿ”ฑโญ

Source: https://drive.google.com/file/d/1YCf1ngOuOkMWX_P-MwwJtaHabhYg-qr-/view?usp=sharing






โœ’๏ธ: Lui
๐ŸŽจ: April

James short filo au | Ep. 01James, your long-time crush that always seems untouchable & suplado . . . suddenly sent you ...
06/09/2026

James short filo au | Ep. 01

James, your long-time crush that always seems untouchable & suplado . . . suddenly sent you a random note in the middle of the night.

โ€”

SA BAWAT SALAYSAY, MAY NAKALAANG PUWANG PARA SA ISA PANG KASAMA.

Hindi iisa ang kamay na sumusulat ng isang dakilang salaysay.

Ang bawat paglalakbay ay nahahabi sa samu't saring tinig, adhika, at yapak. May mga pusong unang darating, may mga pusong magtatagal, at may mga pusong sa gitna ng paglalakbay ay matatagpuan ang sariling gampanin.

Ngayon, muling bumubukas ang isang panibagong yugto ng ating Psych Storyโ€”isang bagong dahon sa matingkad na kuwaderno ng ating salaysay, na maglalaman ng mga puwang at pagkakataong nakalaan para sa mga pusong ngayoโ€™y unang tutuntong at makikilala ang ating organisasyon.

Sa mga handang makisangkot, makipisan, at maglaan ng panahon at kakayahan para sa isang layuning higit sa sariliโ€”inaanyayahan namin kayong maging kabahagi ng mga komite na magbibigay-buhay sa salaysay na ating sabay-sabay na tatahakin.

Sapagkat ang pamayanan ay hindi nabubuo sa pagkakatulad, kundi sa pagtitipon ng magkakaibang puso na nagkakaisa sa iisang adhika.

At marahil, sa iyong pagdating, may isang bahaging matagal nang naghihintay upang mapunan.

Kaya't halina.

Iukit ang iyong yapak sa ating paglalakbay.
Ihandog ang iyong tinig sa ating pamayanan.
At makiisa sa paghubog ng bukas na ating pinapangarap.
Sapagkat ang bawat salaysay ay higit na nagiging ganap kapag may kasamang iba.

Narito ang mga kawing ng mga aplikasyon ng bawat komite:

ARTS & CRAFTS COMMITTEE ๐ŸŽจ

๐Ÿ”—:https://forms.gle/KNnqGCK5faum1Kxu6

CULTURE & ARTS COMMITTEE ๐ŸŽญ

๐Ÿ”—:https://forms.gle/gKQnAyMMKMR4S6mt7

TECHNICAL & MULTIMEDIA COMMITTEE ๐Ÿ’ป

๐Ÿ”—:https://forms.gle/Br3XwchCq1r3hrcV6

PUBLICATION & DOCUMENTATION COMMITTEE ๐Ÿ“ฐ

๐Ÿ”—:https://forms.gle/EzRQ8UQYKnTZqeEr5

EVENTS & MANAGEMENT COMMITTEE ๐ŸŽ™๏ธ

๐Ÿ”—:https://forms.gle/psbqyh8amF8jkxVr9

GRIEVANCE & ENGAGEMENT COMMITTEE โš–๏ธ

๐Ÿ”—:https://forms.gle/o868GLpgZDZPgmT98

SPORTS COMMITTEE ๐Ÿ€

๐Ÿ”—:https://forms.gle/ZcPEj3Q4xSv12sac6

[SPECIAL COMMITTEES]

ACADEMIC COMMITTEE ๐Ÿ“š

๐Ÿ”—:https://forms.gle/QmBSxBXRG4KNF1Cz7

EXTERNAL RELATIONS COMMITTEE ๐Ÿค

๐Ÿ”—:https://forms.gle/WoWhjSuf19hD5NBm8

FINANCE & RESOURCE COMMITTEE ๐Ÿ’ธ

๐Ÿ”—:https://forms.gle/5NrV7PYXy3vKZtyp7






โœ’๏ธ: Khai
๐ŸŽจ: Rin

EX-PSYCH-TED NA BA KAYO, PSYCH FRESHIES? ๐ŸงฉAng bagong yugto ng ating buhay ay nagsisimula sa isang hakbang lamang. At nga...
02/09/2026

EX-PSYCH-TED NA BA KAYO, PSYCH FRESHIES? ๐Ÿงฉ

Ang bagong yugto ng ating buhay ay nagsisimula sa isang hakbang lamang. At ngayon Psych Freshies sama-sama nating pasukin ang mundo ng Sikolohiya, kung saan puso, isip, at radikal na empatiya ang pinapairal. ๐Ÿซ€๐Ÿง 

Ano pa ang iniintay n'yo? Maghanda para sa isang araw na puno ng saya, aral, at pakikipag-kapwa. Halina't dumalo sa Psychology Society First-Year Orientation 2026 na may temang "PSYCH STORY: One Journey. One Community. One Future." ๐Ÿงธ๐Ÿซง

๐Ÿ‘”: Favorite Childhood Character
๐Ÿ“†: September 04, 2026 (FRIDAY)
๐Ÿ•˜: 7:30 AM - 4:00 PM
๐Ÿ“: PUP STC - Gymnasium

Huwag kalimutan suotin ang outfit na nagpapakita ng ating favorite childhood character at magdala ng laruan na simbolo ng ating pagkabata. Tayo ay muling magbabaliktanaw sa ating pagkabata, bago tuluyang tahakin ang unang hakapbang ng ating bagong kwento. ๐Ÿช€

See you there, kapwa-Sikolohista! ๐Ÿ”ฑ๐Ÿ’š






๐ŸŽจ: Rin, Jelai
๐Ÿ–‹๏ธ: Rin

๐ŸŽ€ Come on, Barbie, letโ€™s go party! โœจItโ€™s time to roll out the pink carpet and celebrate the amazing people born this Sep...
01/09/2026

๐ŸŽ€ Come on, Barbie, letโ€™s go party! โœจ

Itโ€™s time to roll out the pink carpet and celebrate the amazing people born this September! Every birthday is a chance to embrace new beginnings, create unforgettable memories, and let your brightest self shine.

As another chapter begins, may you always have the courage to get your sparkle and show the world where you truly belong. As Barbie would say, โ€œDonโ€™t worryโ€“everyone likes me and thinks Iโ€™m cool and pretty!โ€โœจ So wear your confidence proudly, stay fabulous, and never be afraid to shine in your own unique way.

May this new chapter remind you that you are never too much, too bright, or too uniquely you because the world is always better with your sparkle in it! โœจ

Hereโ€™s to a year filled with love, laughter, exciting adventures, and moments that make life even more meaningful.

Happy Birthday, September Babies!!! ๐ŸŽ€





๐ŸŽจ: Ara
๐Ÿ–‹๏ธ: Lui

You have a space in the field of human behavior, Sikolohista ng Bayan! ๐Ÿง โœจThe PUP Sto. Tomas Campus Psychology Society st...
31/08/2026

You have a space in the field of human behavior, Sikolohista ng Bayan! ๐Ÿง โœจ

The PUP Sto. Tomas Campus Psychology Society stands in solid support of our September 2026 Psychometrician and Psychologist Licensure Examination (PPLE) takers as you step up to take the board exams.

The long nights, endless readings, and months of preparation have culminated up to this moment. This examination is a celebration of your mastery of human behavior and your commitment to serving our kapwa with heart and scientific rigor.

Claim the title you have worked so hard to achieve. Padayon at pagpupugay! The entire PUPSTC Psychology Society is rooting for you! ๐Ÿ’š๐Ÿ”ฑ






๐ŸŽจ: Rin
๐Ÿ–‹๏ธ: AJ

Address

Polytechnic University Of The
Santo Tomas
4234

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Psychology Society (PUP-STBC) posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Psychology Society (PUP-STBC):

Shortcuts

Share