Pamana Tomasino

Directions Website Contact the organization

Pamana Tomasino Lumingon sa nakaraan na may respeto at paglinang. Tumanaw sa kinabukasan sa marikit na kinagisnan.

PAMANALIKHA: Pamana Tomasino’s Monthly Creative Challenge continues!** 🎉🎉 Tema: LARAWANG MAY HIMIG 🇵🇭📸🎶Bilang pagdiriwan...
01/07/2026

PAMANALIKHA: Pamana Tomasino’s Monthly Creative Challenge continues!** 🎉

🎉 Tema: LARAWANG MAY HIMIG 🇵🇭📸🎶

Bilang pagdiriwang ng "Linggo ng Musikang Pilipino" ngayong buwan ng Hulyo, inaanyayahan namin ang lahat na ibahagi ang isang larawang sumasalamin sa inyong paboritong OPM song. Maging ito man ay isang lugar, tao, alaala, o pang-araw-araw na tagpo na nagpapaalala sa inyo ng isang awiting Pilipino, ipakita ang kuwento at damdaming hatid ng awiting iyon sa pamamagitan ng inyong larawan.

📸 PHOTO only
👥 Open sa lahat ng nagnanais sumali
📩 Submit via Official Google Form only: https://forms.gle/MMpmGNQD2P7ZsrBm6
⏳ Deadline: July 17, 2026, 5:00 PM
🚫 No late submissions will be accepted
📧 All participants will receive an e-Certificate of Participation after the deadline.

📌 Guidelines:

* One (1) PHOTO entry only per participant.
* Ikaw dapat ang kumuha ng larawan.
* Ang larawan ay dapat may kaugnayan sa iyong paboritong OPM song at sumasalamin sa mensahe, kuwento, o damdaming hatid nito.
* The form will automatically close on the deadline.
* 🚫 AI-generated photos or videos are not allowed.
* Basic photo enhancement is allowed, provided the image is your original shot.

📩 Paalala: Siguraduhing tama at aktibo ang email address na ilalagay sa form upang maiwasan ang delay sa pagtanggap ng inyong e-Certificate.

🇵🇭 Tapat sa Watawat | June 26, 2026Noong June 26, 2026, matagumpay na isinagawa ng Pamana Tomasino, sa pakikipagtulungan...
29/06/2026

🇵🇭 Tapat sa Watawat | June 26, 2026

Noong June 26, 2026, matagumpay na isinagawa ng Pamana Tomasino, sa pakikipagtulungan sa National Historical Commission of the Philippines, ang "Tapat sa Watawat" bilang culminating activity para sa buwan ng Hunyo. Dinaluhan ito ng mga Grade 4–6 learners ng Mother Barbara Micarelli School at ginanap sa Mother Barbara Micarelli Hall.

Tampok sa programa si Mr. Mark Reinere B. Policarpio, History Researcher II, NHCP Heraldry Section, na nagbahagi ng makabuluhang talakayan tungkol sa ating kasaysayan, pambansang simbolo, at kahalagahan ng pagpapanatili ng ating pamana.

Maraming salamat sa NHCP, sa Mother Barbara Micarelli School, mga g**o, volunteers, at sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na aktibidad na ito. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagpapahalaga at pagpapamana ng ating kasaysayan sa susunod na henerasyon.

Special thanks: Ms. Ayesha, Ms. Lalaine, and Ms. Joy of Pamana Tomasino.

📸 Photo Credits: Pamana Tomasino Junior Council (Rafael Didulo, Angelyn Viterbo, and Aritha Beatrice)

🎉 Maligayang Kaarawan, Ms. Ces! 🎂Maraming salamat sa inyong dedikasyon at pamumuno bilang Head ng Education and Research...
24/06/2026

🎉 Maligayang Kaarawan, Ms. Ces! 🎂

Maraming salamat sa inyong dedikasyon at pamumuno bilang Head ng Education and Research Committee ng Pamana Tomasino. Nawa’y pagpalain pa kayo ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at tagumpay sa lahat ng inyong adhikain.

Happy Birthday! 🎉💙

Araw ng mga Ama | Father’s Day | June 21, 2026 👨‍👧‍👦Ngayong Father’s Day, nagbibigay-pugay tayo sa lahat ng ama at fathe...
21/06/2026

Araw ng mga Ama | Father’s Day | June 21, 2026 👨‍👧‍👦

Ngayong Father’s Day, nagbibigay-pugay tayo sa lahat ng ama at father figures na nagsisilbing haligi ng tahanan at inspirasyon ng kanilang pamilya.

❤️ Maraming salamat sa inyong pagmamahal, paggabay, at mga sakripisyong humuhubog sa susunod na henerasyon.

Maligayang Araw ng mga Ama!

Araw ng Kalayaan 2026 🇵🇭Ngayong Araw ng Kalayaan, ipinagdiriwang natin ang katapangan, pagkakaisa, at pagmamahal sa baya...
11/06/2026

Araw ng Kalayaan 2026 🇵🇭

Ngayong Araw ng Kalayaan, ipinagdiriwang natin ang katapangan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan na ipinamana sa atin ng mga bayaning Pilipino.

Nawa’y magsilbi itong paalala na ang tunay na kalayaan ay hindi lamang ipinaglaban noon, kundi patuloy na pinahahalagahan at isinasabuhay sa bawat mabuting gawa para sa kapwa at bayan.

Maligayang Araw ng Kalayaan mula sa Pamana Tomasino. Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭✨

🎉 Maligayang Kaarawan, Engr. Earl, Project Development and External Affairs Committee Head!Nawa’y patuloy kang pagpalain...
05/06/2026

🎉 Maligayang Kaarawan, Engr. Earl, Project Development and External Affairs Committee Head!

Nawa’y patuloy kang pagpalain ng mabuting kalusugan, tagumpay, at kaligayahan. Congratulations din sa inyong kamakailang pag-iisang dibdib at best wishes sa inyong masaya at pinagpalang buhay mag-asawa.

🎂💙 Mula sa iyong Pamana Tomasino Family

🎉 Congratulations to the Parish and National Shrine of Saint Padre Pio on its elevation to International Shrine status!T...
04/06/2026

🎉 Congratulations to the Parish and National Shrine of Saint Padre Pio on its elevation to International Shrine status!

This historic recognition highlights the enduring faith, cultural heritage, and spiritual significance of the shrine, not only for the City of Sto. Tomas, Batangas but also for pilgrims from around the world.

May this milestone continue to inspire devotion, unity, and a deeper appreciation of the rich heritage that shapes our communities.

JUST IN: The Vatican has elevated the National Shrine and Parish of St. Padre Pio in Batangas province to international shrine status.

Click the link in the comments for the full story.

🎨 PamanaLikha: May Creative Challenge“PAMILYA AT PAG-AARUGA”Maraming salamat sa lahat ng nakilahok at nagbahagi ng kanil...
26/05/2026

🎨 PamanaLikha: May Creative Challenge
“PAMILYA AT PAG-AARUGA”

Maraming salamat sa lahat ng nakilahok at nagbahagi ng kanilang likha! 💛
Sa bawat entry, nasilayan natin ang iba’t ibang anyo ng pagmamahal, pag-aaruga, at pagkalinga sa loob ng pamilya at komunidad.

✨ Patuloy ninyong binibigyang-buhay ang mga kwentong puno ng malasakit, pagkakaisa, at pagpapahalaga sa pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng sining.

📄 e-Certificates will be sent to your registered email addresses.
🎉 Featured entries will be announced soon—stay tuned!

📌 Para sa updates at susunod na tema, follow:
facebook.com/pamanatomasino

📢 Available na ang inyong e-Certificates through the Pamana Tomasino Certificate Verification Page!🔗 https://pamanatomas...
26/05/2026

📢 Available na ang inyong e-Certificates through the Pamana Tomasino Certificate Verification Page!

🔗 https://pamanatomasino.org/verify-certificate

I-input lamang ang certificate code na ipinadala sa inyong registered email address para ma-access at ma-download ang inyong e-certificate.

Covered activities:
• PamanaLikha (March–May)
• Leading Ladies: The Women Who Led the Revolution
• Basic Poetry Writing Workshop

Kung may concerns o problema sa pag-access ng certificate, maaari mag-email sa:
📧 [email protected]

Pakilagay ang sumusunod:
• Full Name
• Activity na sinalihan

Maraming salamat sa patuloy na pakikiisa sa Pamana Tomasino! 💙

Verify Certificate Certificate Code Search Certificate Code Search * If you are human, leave this field blank. No certificate found.

Araw ng mga Ina | Mother’s Day | May 10, 2026 💐Ngayong Mother’s Day, binibigyang-pugay natin ang pagmamahal, sakripisyo,...
09/05/2026

Araw ng mga Ina | Mother’s Day | May 10, 2026 💐

Ngayong Mother’s Day, binibigyang-pugay natin ang pagmamahal, sakripisyo, at walang sawang pag-aaruga ng lahat ng ina at mother figures na nagsisilbing ilaw ng tahanan at inspirasyon ng bawat pamilya.

Sa bawat yakap, payo, at pag-alalay, dala ninyo ang lakas at pagmamahal na humuhubog sa mas mabuting komunidad. ❤️
Kayo ang tunay na puso ng tahanan at haligi ng ating lipunan.

✨ Maraming salamat sa inyong walang kapantay na pagmamahal.
Happy Mother’s Day sa lahat ng ilaw ng tahanan!

Address

Santo Tomas
4234

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pamana Tomasino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Pamana Tomasino:

Shortcuts

Share