konekTa

konekTa konekTa sa KAALAMAN
konekTa sa KABATAAN
konekTa sa KOMUNIDAD

Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot sa bawat Santiagueño na buong tiwala at pusong sumuporta sa Team KaisaKa sa...
13/05/2025

Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot sa bawat Santiagueño na buong tiwala at pusong sumuporta sa Team KaisaKa sa katatapos na Halalan 2025. Ang inyong tiwala, dasal, at walang sawang suporta ang nagsilbing inspirasyon at lakas ng aming buong grupo upang ipagpatuloy ang ating layunin para sa mas progresibo, mas makatao, at mas maunlad na Lungsod ng Santiago.

Ang tagumpay na ito ay hindi tagumpay ng iilan—ito ay tagumpay nating lahat. Sama-sama nating ipinaglaban ang isang gobyernong bukas, tapat, at tunay na kaisa ng bawat mamamayan. Sa bagong yugto ng ating paglilingkod, asahan ninyong mananatili kaming tapat sa ating mga pangako at mas lalo pa naming pag-iigihin ang aming trabaho para sa kapakanan ng bawat isa.

Muli, maraming salamat, Santiagueño! Kaisa ninyo po kami sa bawat hakbang tungo sa isang mas magandang kinabukasan.



Atty. Sheena Tan 👏👏👏
12/05/2025

Atty. Sheena Tan
👏👏👏

Atty. Sheena Tan mananatiling Mayora sa Lungsod ng Santiago🎉🎉🎉
12/05/2025

Atty. Sheena Tan mananatiling Mayora sa Lungsod ng Santiago🎉🎉🎉


10/05/2025

Isang paglilingkod na nagsimula sa pangarap na makatulong sa mga tunay na nangangailangan. Naging aking sandigan ang tiwala at suportang inyong inalay, naging daan upang maisakatuparan ang bawat pangakong aking binitawan. Pangako ng isang progresibo at inklusibong Lungsod ng Santiago para sa bawat Santiagueño.

Isang karangalan ang mapaglingkuran at makasama kayo na maabot ang hangarin natin para sa ating mga pamilya at mahal na siyudad.

Patuloy po ninyo akong magiging katuwang para sa mas matatayog pa nating pangarap sa mga susunod pang taon at buong pusong sasamahan kayong ipagmalaki na tayo ay Santiagueño.



Taos-pusong pasasalamat po sa mga kapatid sa Iglesia ni Cristo at sa mahal na Tagapamahalang Pangkalahatan sa pagtitiwal...
10/05/2025

Taos-pusong pasasalamat po sa mga kapatid sa Iglesia ni Cristo at sa mahal na Tagapamahalang Pangkalahatan sa pagtitiwala at suporta sa para sa darating na halalan ngayong Lunes, May 12!

09/05/2025

Address

Santiago City Isabela
Santiago
3311

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when konekTa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share