Sais Siklab Dos

Directions

Sais Siklab Dos Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sais Siklab Dos, Youth Organization, P6-A2 NAGGASICAN SANTIAGO CITY, Santiago.

✨06/24/2026✨Ang hapon na ito ay ikinatuwa ng mga bata dahil muli kaming nagdilig at nag-harvest ng mga gulay mula sa ami...
24/06/2026

✨06/24/2026✨

Ang hapon na ito ay ikinatuwa ng mga bata dahil muli kaming nagdilig at nag-harvest ng mga gulay mula sa aming hardin na kanila ring maiuuwi at maihahain sa kanilang mga pamilya. Tunay na nakatutuwang makita ang bunga ng aming sama-samang pagtatanim at pag-aalaga sa mga halaman.

🌱 "Ang bawat butong itinatanim ngayon ay pag-asa at biyayang aanihin sa hinaharap." 🌿

✨06/22/2026✨Sa araw na ito ay muli kaming nagtungo sa aming Purok Youth Garden upang magsagawa ng paglilinis at pagdidil...
23/06/2026

✨06/22/2026✨
Sa araw na ito ay muli kaming nagtungo sa aming Purok Youth Garden upang magsagawa ng paglilinis at pagdidilig ng mga tanim. Kasabay nito ay muli rin kaming nag-ani ng aming mga gulay, partikular na ang mga talong at sili. Tunay ngang masigla at masagana ang aming hardin sapagkat ilang beses na kaming nakapag-ani mula sa mga ito. Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagtutulungan, pag-aalaga, at dedikasyon ng mga kabataan sa pagpapaunlad ng aming Purok Youth Garden. 🌱🍆🌶️

✨06/18/2026✨Wa araw na ito ay muli tayong nagsagawa ng paglilinis at pag-aani ng mga gulay na masiglang umuusbong sa ati...
23/06/2026

✨06/18/2026✨

Wa araw na ito ay muli tayong nagsagawa ng paglilinis at pag-aani ng mga gulay na masiglang umuusbong sa ating Purok Youth Garden. Sa patuloy na pag-aalaga at pagdidilig ng mga kabataan, lalo pang lumalago at namumunga ang ating mga tanim. Ang mga gulay na ito ay napapakinabangan na rin ng mga kabataang siyang nagtanim at naglaan ng oras upang mapanatiling maayos at masagana ang ating hardin. Patuloy nating suportahan at pangalagaan ang proyektong ito para sa kapakinabangan ng lahat. 🌱🥬💛

✨06/11/2026✨Sa pagsisimula ng bagong buwan ng Hunyo, muli pong nakiisa ang mga kabataan ng aming purok sa iba't ibang ga...
12/06/2026

✨06/11/2026✨

Sa pagsisimula ng bagong buwan ng Hunyo, muli pong nakiisa ang mga kabataan ng aming purok sa iba't ibang gawaing pangkomunidad at pangkalikasan.

Sa araw na ito, sama-sama naming inayos ang aming Learning Center sa pamamagitan ng pagpupunas ng mga alikabok, pag-aayos ng mga libro, at pagsasaayos ng iba pang mga kagamitan upang maging malinis at maayos ang lugar para sa mga kabataang nais mag-aral at matuto.

Kasabay nito, nagsagawa rin kami ng pagdadamo, pag-aayos ng mga tanim, pagdidilig, paglilinis ng paligid, at pag-aayos ng compost heap. Nagtanim din kami ng iba't ibang uri ng mga gulay sa aming nursery upang mapalago at mapakinabangan ng mga kabataan at ng buong komunidad sa hinaharap.

Maraming salamat sa lahat ng mga kabataang naglaan ng oras, tumulong, at nakiisa sa ating mga gawain. Ang inyong pagtutulungan at dedikasyon ay malaking hakbang tungo sa mas maayos, mas malinis, at mas maunlad na purok.

Padayon sa paglilingkod at pagkakaisa! 🌱📚💚

✨MONTHLY RECAP | MAY 2026✨Sa buwan ng Mayo, naging aktibo at produktibo ang mga kabataan ng aming Purok sa iba't ibang g...
12/06/2026

✨MONTHLY RECAP | MAY 2026✨

Sa buwan ng Mayo, naging aktibo at produktibo ang mga kabataan ng aming Purok sa iba't ibang gawaing pangkomunidad. Sama-sama kaming nakiisa sa paglilinis at pag-aalaga ng aming Purok Youth Garden upang mapanatili itong malinis at maayos para sa kapakinabangan ng lahat.

Nagsagawa rin kami ng Purok Youth Meeting para talakayin ang mga programa, plano, at mga aktibidad na makatutulong sa pagpapaunlad ng aming samahan at komunidad.

Lubos din ang aming pasasalamat sa Tau Gamma sa kanilang isinagawang Feeding Program para sa mga bata sa aming purok. Malaki ang naging ambag ng programang ito sa pagbibigay ng saya at suporta sa aming mga kabataan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong. Nawa'y magpatuloy ang ating pagkakaisa at pagtutulungan para sa mas maunlad na komunidad.💛

Maligayang kaarawan, Khalil Adam!🥳Bilang isa sa masipag at aktibong officer ng ating purok nawa’y patuloy kang pagpalain...
24/05/2026

Maligayang kaarawan, Khalil Adam!🥳

Bilang isa sa masipag at aktibong officer ng ating purok nawa’y patuloy kang pagpalain ng lakas, tagumpay, at kaligayahan sa bawat hakbang ng iyong buhay. Maraming salamat sa iyong dedikasyon, sipag, at magandang impluwensya sa organisasyon. Isa kang inspirasyon sa pagiging responsableng lider at mabuting kasama.

Hangad namin ang mas marami pang tagumpay, masasayang alaala, at biyayang darating para sa’yo. Patuloy kang magningning at magsilbing ilaw sa kapwa mo kabataan at kaibigan.

Muli, maligayang kaarawan, Khalil! 🎂🎈
— Mula sa iyong pamilya sa SAIS Siklab Dos 💙

04/20/2026🌱HARVEST DAY!🌱Sa araw na ito ay masayang ibinabahagi ng inyong lingkod ang bunga ng aming pagsisikap sa aming ...
20/04/2026

04/20/2026
🌱HARVEST DAY!🌱

Sa araw na ito ay masayang ibinabahagi ng inyong lingkod ang bunga ng aming pagsisikap sa aming purok youth garden. Matapos ang patuloy na pag-aalaga, pagdidilig, at pagtutulungan ng bawat kabataan, sa wakas ay aming naani ang mga sariwa at masusustansyang gulay. 🍆🌶️

Ang simpleng hardin na ito ay patunay na kapag may tiyaga at pagkakaisa, tiyak na may magandang resulta. Hindi lamang ito tungkol sa ani, kundi pati na rin sa aral ng disiplina, sipag, at pagmamahal sa kalikasan.

Maraming salamat sa lahat ng kabataang tumulong at patuloy na sumusuporta sa ating proyekto. Tuloy-tuloy lang tayo sa pagtatanim at pag-unlad! 💛

26/03/2026
✨03/24&26/2026✨Isang masigla at produktibong araw muli para sa mga kabataan ng aming purok! Patuloy ang kanilang aktibon...
26/03/2026

✨03/24&26/2026✨

Isang masigla at produktibong araw muli para sa mga kabataan ng aming purok! Patuloy ang kanilang aktibong paglilinis at pangangalaga sa aming youth garden, na ngayon ay mas lalong gumaganda at umuunlad.

Makikita na ang unti-unting pag-usbong ng aming mga tanim, pati na rin ang pagyabong ng kanilang mga dahon na nagpapakita ng maayos na pag-aalaga at dedikasyon ng bawat isa. Ang kanilang sipag at malasakit ay tunay na nagbibigay-buhay sa aming munting hardin.

Patunay lamang na sa patuloy na pagtutulungan at tiyaga, ang bawat tanim ay lalago at magbubunga. Maraming salamat sa mga kabataang patuloy na nagbibigay ng oras at pagmamahal sa aming youth garden. 🌿

✨03/11-18-21/2026✨Sa patuloy na pagkakaisa at sipag ng mga kabataan sa aming purok, hindi lamang ang aming youth garden ...
26/03/2026

✨03/11-18-21/2026✨

Sa patuloy na pagkakaisa at sipag ng mga kabataan sa aming purok, hindi lamang ang aming youth garden ang kanilang inaalagaan kundi pati na rin ang paghahanda para sa darating na liga. Sama-sama nilang pinapanatili ang kalinisan ng paligid at masigasig na dinidiligan ang aming mga tanim na gulay at medicinal plants upang ito ay patuloy na lumago at mamunga.

Kasabay nito, ang mga kabataan ay nagtulong-tulong sa pagkabit ng net na gagamitin sa basketball, bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa inaabangang liga. Ipinapakita nito na bukod sa pagiging responsable sa kalikasan, sila rin ay aktibong nakikilahok sa mga gawaing pampalakasan.

Ang kanilang pagkukusa at pagtutulungan ay tunay na kahanga-hanga at nagsisilbing inspirasyon sa buong komunidad. Patuloy kayong maging ehemplo ng kabataan na may malasakit, disiplina, at pagkakaisa. 🏀🌱

Address

P6-A2 NAGGASICAN SANTIAGO CITY
Santiago
3311

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sais Siklab Dos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share