27/03/2026
Ang WAGBII (Wing Agila Guardians Brotherhood International Incorporated) ay taos-pusong nagpapahayag ng aming pasasalamat sa aming mahal na City Mayor Hon. Arlene B Arcillas at Vice Mayor Hon. Arnold Arcillas ng Santa Rosa City, Laguna bilang pangunahing sumuporta sa proyektong ito.
Ang pagkakaloob ng handheld radios ay malaking tulong upang lalo pang mapalakas ang komunikasyon, koordinasyon, at kahandaan ng aming samahan sa paglilingkod sa komunidad.
Kinilala rin ang dedikasyon ng WAGBII Sinalhan Chapter sa pangunguna ni FRMG NCA, Nelson Alorde, Chapter President, at ang patuloy na inspirasyon at pamumuno ng aming Founding International Chairman/President na si Serafin De La Cruz Inte Jr.PCGS CNF B**G.
Ang WAGBII ay nananatiling tapat sa adhikaing: Serbisyo, Disiplina, at Matatag na Pagkakapatiran.
Mabuhay ang WAGBII! Mabuhay ang pagkakaisa! 🦅🇵🇭 Hanggang sa Huling patak ng Dugo💪🫡