02/06/2026
“Siguradong Serbisyo, Hindi Baka Sakali”
(tagline na real talk)
ni: James Manalili Ronquillo
Kapag dumating ang panahon ng pagpili ng mga lider, mahalagang tanungin ninyo ang inyong sarili: Sino ang nagpakita? Sino ang nagtrabaho? At sino ang may konkretong nagawa para sa komunidad?
Sa loob ng nakalipas na mga taon, hindi ninyo kailangang umasa sa mga pangako lamang dahil naramdaman ninyo ang mga programang direktang inihatid sa inyong mga tahanan at komunidad.
Sa pamamagitan ng Serbisyo Karavan, mahigit dalawang taon kayong nakatanggap ng mga aklat, food packs, at mga programang nagtuturo ng tamang kagawian para sa inyong mga anak. Bawat buwan, 50 hanggang 100 kabataan ang direktang nakikinabang sa programang ito.
Sa Salamat Lolo, Salamat Lola, hindi na kailangang hintayin ng inyong mga nakatatanda ang unang Lunes ng buwan upang makahingi ng tulong para sa kanilang maintenance medicine. Ginawa itong araw-araw upang mas mabilis at mas maginhawa ninyong makuha ang serbisyong kailangan ninyo.
Sa pamamagitan ng RideMed, hindi na kailangang bumiyahe pa ng inyong mga lolo at lola para kumuha ng gamot. Ang serbisyo mismo ang lumalapit sa kanila at naghahatid ng kinakailangang tulong hanggang sa kanilang tahanan.
Sa Programang E.A.T. (Edukasyon + Almusal = Tagumpay), mahigit 200 mag-aaral ang nakakatanggap ng mainit at masustansyang almusal tuwing Martes sa pakikipagtulungan sa Dita Integrated School. Dahil alam nating ang batang busog ay mas handang matuto at mangarap.
Sa SK Educational Assistance Program, 500 mag-aaral mula pre-school hanggang kolehiyo ang nabibigyan ng tulong-pinansyal na nagkakahalaga ng ₱1,000 hanggang ₱3,000 upang makatulong sa kanilang pag-aaral.
Sa Pamaskong Handog, 500 pamilyang Ditañano ang nakatatanggap ng grocery packs bilang dagdag na suporta sa panahon ng Kapaskuhan.
Sa 10 Most Outstanding Students of Dita, kinikilala at pinararangalan ang sampung natatanging mag-aaral ng barangay. Bawat isa ay tumatanggap ng ₱10,000 bilang gantimpala sa kanilang sipag at tagumpay.
Sa Dita Sports, mahigit 1,600 atleta na ang nakapaglaro at nakinabang sa mga libreng liga at palaro sa basketball at volleyball sa loob ng tatlong taon.
Bilang kinatawan sa Sangguniang Barangay, si Chairwoman Pia Atutubo ay nagsilbing boses ng kabataan at katuwang sa paggawa ng mga polisiya para sa barangay. Sa kanyang panunungkulan, 27 resolusyon ang kanyang naipasa na nakinabang hindi lamang ang kabataan kundi ang buong komunidad.
At higit sa lahat, nakita ninyo siya mula pa noong unang araw ng kanyang panunungkulan. Hindi lamang kapag may programa. Hindi lamang kapag may selebrasyon. At lalong hindi lamang kapag malapit na ang halalan.
Sa loob ng halos tatlong taon, ipinakita niya ang kanyang mga ideya, suhestyon, at malasakit para sa barangay. Hindi para sa pansariling interes. Hindi para sa pagpapasikat. Kundi para sa mas maraming Ditañanong nangangailangan ng serbisyo.
Sa huli, nasa inyong mga kamay ang pasya.
Kapag ang hinahanap ninyo ay lider na subok na sa trabaho, may malinaw na direksyon, at may konkretong nagawa para sa komunidad, hindi ninyo kailangang manghula.
May nagawa na. May napatunayan na.
Siguradong Serbisyo. Hindi Baka Sakali.🫰🏻🩷