22/11/2025
GRAND TRISKELION
Siya ang pinuno na dapat nangunguna sa pagsasaayos ng kanyang nasasakupan. Sumasalo ng sisi kung minsan. Madalas din nahihirapan pero di dapat sumusuko lalo na kapakanan ng kanyang mga residente. Madalas na takbuhan ng mga kapatid lalo na sa oras ng pangangailangan. Taga ayos ng guso’t lalo na sa mga nagkakatampuhan. Ang kanyang mga desisyon ay dapat matibay at makatarungan.
Sa panunungkulan, hindi lahat ay matutuwa sa bawat galaw mo. Bilang isang Triskelion, lalo na kung ikaw ay Grand Triskelion, natural lang na may makabangga ka, may mga hindi makakaintindi, may mga kokontra at may mga susubok sa iyong paninindigan.
Pero tandaan mo, hindi ito labanan ng ego, kundi pagsubok ng prinsipyo. Hangga’t ang bawat kilos mo ay nakaayon sa Tenets, Code of Conduct (TCOC) at Bylaws ng ating kapatiran, huwag kang liliko. Diretso lang sa tama, diretso lang sa prinsipyo.