25/01/2026
PERPEKTONG PAG-IBIG | Juan 3:16
📖 “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
💡Alam mo ba kung gaano ka kaperpektong minahal ng Diyos?
1. Ang pag-ibig ng Diyos ay personal.
📖 Awit 139:13–14
“Sapagkat ikaw ang lumikha ng aking kalooban;
hinubog mo ako sa sinapupunan ng aking ina.
Pinupuri kita sapagkat ako’y kamangha-mangha at kahanga-hangang nilikha;
kamangha-mangha ang iyong mga gawa, at ito’y alam na alam ng aking kaluluwa.”
🔎Awit 139:15-16
🔎Jeremias 1:5
🔎Isaias 49:15-16
2. Ang pag-ibig ng Diyos ay walang hanggan.
📖 Jeremias 31:3
“Nagpakita sa akin ang Panginoon mula sa malayo at sinabi,
‘Inibig kita ng walang hanggang pag-ibig;
kaya’t patuloy kitang iniingatan ng aking wagas na pag-ibig.’”
🔎Efeso 1:4
3. Ang pag ibig ng Diyos ay mapagsakripisyo.
📖 1 Juan 4:10
“Ito ang pag-ibig: hindi na tayo ang umibig sa Diyos, kundi Siya ang umibig sa atin at isinugo ang Kanyang Anak bilang handog na pantubos sa ating mga kasalanan.”
🔎Juan 15:13
4. Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi karapat dapat. 📖 Roma 5:8
“Ngunit ipinakita ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin nang tayo’y makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin.”
🔎Isaiah 53:6
5. Ang pag-ibig ng Diyos ay may Layunin.
📖 Jeremias 1:5
“Bago pa man kita likhain sa sinapupunan, ikaw ay aking nakilala;
bago ka pa man isilang, ikaw ay aking itinalaga;
ginawa kitang propeta sa mga bansa.”
🔎Efeso 1:4
🔎1 Juan 4:16-17
🔎Filipos 3:20
6. Ang pag-ibig ng Diyos ay Nagbabago.
📖 Roma 12:2
“Huwag ninyong tularan ang sanlibutang ito, kundi magbago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip, upang inyong mapatunayan kung alin ang kalooban ng Diyos—ang mabuti, kalugud-lugod, at ganap.”
🔎2 Corinthians 5:17
7. Ang Pag-ibig ng Diyos ay nakasentro kay Kristo.
📖 Juan 17:23
“Ako’y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang sila’y maging ganap na isa, at upang makilala ng sanlibutan na ikaw ang nagsugo sa akin at inibig mo sila gaya ng pag-ibig mo sa akin.”
💡 Greek word: καθώς (kathōs)
Ang καθώς (kathos) ay salitang Griyego na madalas isalin bilang “gaya ng,” “kung paanong,” “just as,” o “in the same way.”
Pero mas malalim ang bigat nito kaysa simpleng paghahambing.
📍PAGLALAPAT SA BUHAY:
1. Magalak sa hindi nararapat na pag-ibig ng Diyos.
2. Tugunan ang personal na pag-ibig ng Diyos.
3. Manatili sa mapagmahal na layunin ng Diyos para saiyo.
4. Pagnilayan kung paano binago ng pagmamahal ng diyos ang iyong buhay.
5. Umasa sa perpektong pag ibig ng diyos sa panahon ng pag iisip. 🔎1 Juan 4:18
6. Tandaan, si Kristo ang dahilan kung bakit ka minamahal ng Diyos.
AMEN! 🙏
WE ARE CHARITOOO!
Glorious Grace Mission Church Inc.
Glorious Grace ChurchMain