13/09/2026
Labas Senior High School Nakamit ang Ikalawang Gantimpala sa National Katutubong Sayaw Competition
Santa Rosa, Laguna โ Isang makasaysayang tagumpay ang naitala ng Labas Senior High School matapos masungkit ang Ikalawang Gantimpala sa National CACHET Buwan ng Wika 2026 Katutubong Sayaw Competition. Ang Labas Senior High School ang tanging paaralan mula sa Santa Rosa Schools Division na nakipagsabayan sa pambansang entablado.
Sa bawat indak ng Katutubong Sayaw, ipinamalas ng mga piling mananayaw ang kanilang talento at dedikasyon: Romneth Faith Calimpon, Rayver Canceran, Althea Hinong, at Kiesha Franco. Ang kanilang pagtatanghal ay nagbigay-buhay sa diwa ng kultura at tradisyon ng Pilipinas.
Ang tagumpay na ito ay higit pang pinanday sa masusing paggabay ng coach na si Maxine Doctolero, na walang sawang nagbigay ng suporta at inspirasyon sa mga mananayaw.
Hindi rin magiging ganap ang tagumpay na ito kung wala ang matatag na pamumuno ng Punong-Guro na si Ma. Cristina C. Pegollo, at ang walang kapantay na paggabay ng Labas SHS CACHET Adviser na si Christy H. Caรฑaveral. Ang kanilang tiwala at suporta ang nagsilbing haligi ng tagumpay ng paaralan.
Ang pagkapanalo ng Labas Senior High School ay hindi lamang gantimpala, kundi isang patunay na ang kabataang Santa Rosa ay may kakayahang magdala ng dangal sa kanilang paaralan, komunidad, at sa buong bansa. Sa bawat indak ng Katutubong Sayaw, naipapakita ang tunay na diwa ng Buwan ng Wikaโisang pagdiriwang ng identidad, kultura, at pambansang pagkakaisa.