05/09/2026
ISANG ARAW NG SAYA, LARO, AT PAGKAKAISA!
Noong Agosto 27, 2026, matagumpay na isinagawa ang isa sa mga tampok na proyekto ng Sangguniang Kabataan ng Macabling para sa Linggo ng Kabataan 2026 isang araw na puno ng saya, paligsahan, tawanan, at pagkakaisa ng mga kabataan! 🧡💛
Sa pangunguna ni SK Chairman Hon. Patrick Ivhan De Guzman at ng buong Sangguniang Kabataan ng Macabling, isinagawa ang iba’t ibang larong nagbigay-saya at pagkakataon sa kabataan na makilahok, makipagkaibigan, at sama-samang magsaya.
🎮 Macabling Game Ka! – The Ultimate Game Show
💰 SK Macabling Pera o Bayong
🎯 Patalbugan
🎡 Wheel of Fortune
💧 Juan for All, All for Juan
Ang Linggo ng Kabataan 2026 ay patunay na ang kabataan ay hindi lamang tagapanood sila ang aktibong bahagi ng pagbuo ng mas masaya, mas nagkakaisang, at mas makabuluhang komunidad.
Isang proyekto para sa kabataan, pinangunahan ng kabataan, at para sa kinabukasan ng kabataan. 🧡