06/09/2026
GATCHALIAN: SENADO MAGDEDESISYON
NGAYONG LINGGO SA BSKE 2026 AT 5-TAONG TERMINO
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, magdedesisyon ang Senado ngayong linggo kung itutuloy ang November 2, 2026 BSKE o ipagpapaliban ito kaugnay ng panukalang gawing 5 taon ang termino ng Barangay at SK officials.
Mahalaga ang agarang desisyon dahil malapit na ang filing of candidacies sa September 28–October 5. Kung maaprubahan ang panukala, kailangan pa itong dumaan sa bicameral conference committee, ratification ng House at Senate, at publication bago maging ganap na batas.