Pahina ng Pag-asa

Pahina ng Pag-asa Layunin ng page na ito na isiwalat ang isang proyektong alay para sa mga susunod na tanglaw ng bayan at paniniwalang: !

20/02/2024

โ€œ๐€๐ง๐  ๐ฉ๐ฎ๐ง๐๐ข๐๐จ๐ง๐  ๐ข๐ฅ๐š๐ฐ ๐š๐ฒ ๐ฆ๐š๐š๐ซ๐ข ๐ฉ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฅ๐ข๐ฆ๐ฅ๐ข๐ฆ๐š๐ง ๐๐š๐ก๐ข๐ฅ ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐  ๐ง๐š ๐๐ข๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ค๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐š๐ฒ ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ -๐š๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ๐š๐ง.โ€

Noong ika-6 ng Pebrero, taong kasalukuyan, matagumpay na naisagawa ng Pahina ng Pag-asa ang outreach program na โ€œLakad-Basa,โ€ sa mga kalye ng Hipodromo at Anonas, sa Lungsod ng Maynila.

Sa ngalan ng bumubuo sa Pahina ng Pag-asa, isang pasasalamat sa mga batang naging parte ng paglalakad, sa mga magulang, at sa mga nag-abot ng tulong-pinansyal at nagbahagi ng kanilang mga aklat. Ang programa ay hindi maisasakatuparan kung hindi dahil sa inyong kabutihan at pakikiisa. Muli, maraming salamat po sa inyo!

Hanggaโ€™t may mga batang handang magbuklat sa bawat pahina ng libro, patuloy sana tayong maniwala sa pag-asang mamumukadkad paglaon ng ilang daang siglo. Gaano man katagal. Kahit man ang pag-usad ay sagadsad o mabagal. Sapagkat hanggaโ€™t may batang handang tumanggap ng karunungan, mayroong mga pag-asang tanglaw ng ating bayan.

Kaya naman, kaisa ng Pahina ng Pag-asa, ating isigaw: !

Video courtesy of:
โ€ข 24 Oras https://www.youtube.com/watch?v=dzOTp35m47c
โ€ข I-Witness https://www.youtube.com/watch?v=J7JegoKjpmM
โ€ข Mary Jane https://www.youtube.com/watch?v=ebDS54mWpJU
โ€ข Stand for Truth https://www.youtube.com/watch?v=NGl7gBvYbfE

+ Ang mga tao sa video ay may pahintulot.

๐“๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ƒ๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐  | Sa darating na ika-6 ng Pebrero, magsasagawa ang Pahina ng Pag-asa ng outreach program para sa mga bata ...
30/01/2024

๐“๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ƒ๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐  | Sa darating na ika-6 ng Pebrero, magsasagawa ang Pahina ng Pag-asa ng outreach program para sa mga bata sa kalye ng Maynila. Bilang paghahanda, ang aming pangkat ay bukas sa kahit anong klaseng donasyon na makatutulong para sa aming proyekto: mapa-pinansyal man o 'di kaya pamamahagi ng mga librong pambatang kapupulutan ng aral at may uring parabula, alamat, pabula, at iba pa.

Ang pinansyal na tulong ay maaaring ibigay sa sumusunod na numero:

0921-704-2647
Zach Plurad

Para sa mga nais magbahagi ng kanilang mga librong pambata, maaaring ipagbigay-alam ang intensiyon sa pamamagitan ng pagmensahe sa pahina.

"๐™ƒ๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™–๐™ ๐™ค ๐™จ๐™ช๐™ข๐™ช๐™จ๐™ช๐™ก๐™–๐™ฉ ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ก๐™ช๐™ ๐™ช๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™š๐™ฃ๐™š๐™ง๐™–๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ, ๐™ž๐™ฉ๐™ค'๐™ฎ ๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™ก๐™–๐™ก๐™–๐™–๐™ฃ ๐™ ๐™ค ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™ข๐™œ๐™– ๐™จ๐™ช๐™จ๐™ช๐™ฃ๐™ค๐™™...๐™™๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฅ๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ ๐™–๐™—๐™–๐™—๐™–๐™จ๐™– ๐™ก...
30/01/2024

"๐™ƒ๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™–๐™ ๐™ค ๐™จ๐™ช๐™ข๐™ช๐™จ๐™ช๐™ก๐™–๐™ฉ ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ก๐™ช๐™ ๐™ช๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™š๐™ฃ๐™š๐™ง๐™–๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ, ๐™ž๐™ฉ๐™ค'๐™ฎ ๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™ก๐™–๐™ก๐™–๐™–๐™ฃ ๐™ ๐™ค ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™ข๐™œ๐™– ๐™จ๐™ช๐™จ๐™ช๐™ฃ๐™ค๐™™...๐™™๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฅ๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ ๐™–๐™—๐™–๐™—๐™–๐™จ๐™– ๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™จ๐™ž๐™ข๐™—๐™ค๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™–๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™ก๐™–๐™๐™ž ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ข๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™ค."

โ€” ๐˜—๐˜ช๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ฐ ๐˜›๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜•๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ช ๐˜”๐˜ฆ ๐˜›๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฆ

Sa mabilis na pag-inog ng progresibong mundo at mga teknolohikal na inobasyon, ay ang paghabol ng bagong henerasyon sa napipintong pagsupil sa literaturang Pilipino. Bilang pinal na rekerimyento sa asignaturang Filipinohiya at Pambansang Kaunlaran, kami ang Pahina ng Pag-asa mula sa ๐๐š๐œ๐ก๐ž๐ฅ๐จ๐ซ ๐จ๐Ÿ ๐’๐œ๐ข๐ž๐ง๐ž ๐ข๐ง ๐ˆ๐ง๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐š๐ฅ ๐„๐ง๐ ๐ข๐ง๐ž๐ž๐ซ๐ข๐ง๐  ๐Ÿ-๐Ÿ“๐ ng ๐๐จ๐ฅ๐ข๐ญ๐ž๐ค๐ง๐ข๐ค๐จ๐ง๐  ๐”๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐ข๐๐š๐ ๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ, at samahan ninyo kaming lakarin ang hiwagang taglay ng pagbasa sa kalye ng Maynila sa darating na ika-6 ng Pebrero!

Batay sa pag-aaral ng Program for International Student Assessment (2023), isa ang Pilipinas sa mga bansang nasa ibaba ng tinatawag na "global average reading score". Kung kaya, ang layunin ng proyektong ito ay mabigyang-pansin ang suliraning ikinahaharap ng bansa pagdating sa komprehensibong pagbasa at patuloy na pagtangkilik ng mga kabataan sa mga wikang banyaga.

Ito ay alay para sa mga susunod na tanglaw ng bayan at paniniwalang: !

Address

Santa Mesa

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pahina ng Pag-asa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share