02/06/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐!
Mula sa Sitio Luwasan, Brgy. Sta. Clara, Santa Maria, Bulacan, isang simpleng kabutihan ang naging inspirasyon sa marami.
Si Precious Jewel Pescador, isang Student Nurse mula sa Dr. Yangaโs Colleges, ay nagpakita ng malasakit at mabilis na pagresponde nang tulungan niya ang isang jeepney driver na nakaranas ng heat stroke habang nasa biyahe.
Ang kanyang ginawa ay patunay na ang kabayanihan ay hindi nasusukat sa laki ng aksyon, kundi sa kahandaan na tumulong sa oras ng pangangailangan.
Sa panahon kung saan mabilis kumalat ang balita, mas mahalagang maipakita rin ang mga kuwentong nagbibigay-inspirasyon at pag-asa. Si Precious ay isang huwarang Kabataang Santa Maria na nagpapakita ng malasakit, responsibilidad, at tunay na diwa ng paglilingkod sa kapwa.
Maraming salamat sa iyong magandang halimbawa. Nawaโy mas marami pang kabataan ang mahikayat na gamitin ang kanilang kaalaman at kakayahan para makatulong sa komunidad.