02/08/2026
THE ECHO DIARY ๐ฎ/๐ฎ | ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Pormal na nanumpa ang mga bagong halal na opisyal ng ibaโt-ibang youth organizations at clubs ng Aquinas de Escolar Academy (ADEA) sa isinagawang Mass Oath-Taking Ceremony na pinangunahan ng Local Youth Development Office (LYDO)โSanta Maria, Bulacan at SK Federation noong ๐๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐, ๐๐ข๐ฒ๐๐ซ๐ง๐๐ฌ, ๐๐ฅ๐๐ฌ-๐ ๐ง๐ ๐ก๐๐ฉ๐จ๐ง, ๐ฌ๐ ๐๐๐๐.
Layunin ng programa na pormal na kilalanin at panumpain ang mga bagong opisyal ng ibaโt-ibang organisasyon at ipakilala ang mga bagong tatag na club sa ADEA. Layunin din nitong ihanda ang mga mag-aaral sa kanilang mga responsibilidad bilang mga lider at miyembro, at pag-igtingin ang kanilang kakayahang mamuno at aktibong makilahok sa mga programang pangkabataan ng paaralan at komunidad.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng Banal na Misa na pinangunahan ng Holy Family Parish of Catmon (HFP) at Ministerium Fidei โ Aquinas Campus Ministry. Sinundan ito ng masiglang pambungad na programa na pinangunahan ng mga Masters of Ceremony na sina ๐๐ก๐๐ง ๐๐๐ฏ๐ ๐๐๐ง๐ ๐๐ซ๐จ at ๐๐๐๐ซ๐ข๐ ๐๐ฎ๐๐ ๐๐ ๐ง๐๐๐ข๐จ, na kapwa alumni ng paaralan at patuloy na gumagabay sa mga student leaders ng Aquinas.
Nagpatuloy ang programa sa pagpapakilala ng mga panauhin. Bilang bahagi rin ng programa, nagtanghal ang Aquinas Roaring Cadence Drum and Lyres Corps (DLC) at iba pang grupo ng mga kamangha-manghang pagtatanghal na lalong nagbigay-sigla sa okasyon.
Bilang panauhing tagapagsalita, ibinahagi ni ๐๐ข๐ซ ๐๐๐ง๐ง๐๐ญ๐ก ๐๐๐ซ๐ข๐๐ง ๐๐๐ฅ๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ณ, ๐๐จ๐๐๐ฅ ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐๐๐ข๐๐๐ซ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ญ๐ ๐๐๐ซ๐ข๐, ang mga programang ginagawa ng administrasyon ni Mayor Omeng Ramos para sa mga kabataan at pinangunahan niya ang panunumpa ng mga bagong opisyales ng mga Youth Organizations sa paaralan.
Sa kanyang mensahe, ibinahagi rin ni Dela Cruz na naging malaking bahagi ang ADEA sa pagkilala sa Santa Maria bilang Top 2 sa buong Pilipinas sa may pinakamaraming newly registered youth at youth-serving organizations sa ilalim ng Youth Organization Registration Program (YORP) ng National Youth Commission. Saad niya, bunga ito ng aktibong pakikilahok ng paaralan sa pagpaparehistro ng mga in-school organizations.
Dumalo rin sa programa sina ๐๐ ๐
๐๐๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐๐ฌ๐ข๐๐๐ง๐ญ ๐๐๐ซ๐๐จ ๐๐ซ๐๐ฃ๐๐ง๐จ, ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐๐ฉ๐ญ๐๐ข๐ง ๐๐ข๐ง๐จ ๐๐๐ซ๐ข๐๐ง๐จ, ๐๐ ๐๐ก๐๐ข๐ซ๐ฆ๐๐ง ๐๐ ๐๐ฅ๐๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐, mga miyembro ng Sangguniang Barangay ng Catmon, ang pamunuan ng ADEA sa pangunguna ni ๐๐ซ. ๐๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ณ๐ ๐. ๐๐๐ฎ๐ซ๐๐ง๐๐ข๐๐ง๐, mga g**o, at mga mag-aaral upang saksihan ang panunumpa ng mga bagong lider.
Nagtapos ang programa sa closing prayer, pagkuha ng mga larawan, at iba pang pangwakas na gawain bilang paggunita sa panibagong yugto ng pamumuno at paglilingkod ng mga bagong opisyal ng ADEA.
โ๏ธ : Syesha Nicole Tapic | NEWS WRITER
๐ผ : Princess Janine Acebido | LAYOUT ARTIST
๐ธ: PHOTOJOURNALISTS:
Francheska Francisco
Angela Pauline Desquitado
Yvo Caleb De Asas
Angel Job Del Rosario
Stay connected with us:
โ๐ FB: The ECHO
โ๐ง Email: [email protected]
โ