23/07/2025
To ALL HOMEOWNERS
Kami po ay humihingi ng pang unawa sa kinakaharap nating problema tungkol sa usapin ng basura.
UNA po sa lahat ang LGU po ang may obligasyon sa paghakot ng basura (Munisipyo at Barangay Guyong). Base po sa aming nakalap na impormasyon ay sira po ang mga TRUCK na gamit pangongolekta ng basura kaya mas lalong bumagal ang paghakot nila. Isa po sa naging malalang problema lalo na ngayong tag-ulan at tambak na basura.
Paulit ulit po namin sinasabi na sila ang may obligasyon sa paghakot ng basura, kaming HOA ay hindi naman tumitigil sa pagpa follow up tungkol sa kinakaharap nating problema sa di paghakot ng basura at un lamang po ang tanging magagawa namin. Wala pa rin kaming update kung ano na po ang sitwasyon ng truck na ginagagamit at kung nakapag post na ang Munisipyo at Barangay tungkol sa pagkakaroon ng di tamang paghakot ng basura.
Kami po ay dumalo sa isang Pulong sa Munisipyo tungkol sa issue ng basura at aminado cla na sila rin mismo LGU (Munisipyo man o Barangay) ay nahihirapan din sa paghahakot ng basura kaya po naipon at natambak na ang basura natin.
Gaya po ng nasabi kanina na HUMIHINGI po kami ng dispensa dahil wala pa taung konkretong solusyon bilang HOA pagdating sa problema ng basura ang tanging magagawa namin ay mag FOLLOW -UP sa LGU, so kung ang LGU po ay nahihirapan ganun din po kami.
Sana po ay maunawaan nyo ang sitwasyon at maghintay na lang tayo na maayos ang problema sa truck lalo na po kung anong aksyon ang magagawa ng Barangay.
Sa ngayon po ay may umiikot na kolong kolong galing sa Barangay at dumadaan bawat Block araw-araw, hintayin na lang ninyo kung kailan dadaan sa inyo kasi yun lang ang kaya ng Barangay.
Makakaasa po kayo sa tuluy tuloy na pangungulit sa SOLAR para ma address ang problemang ito.
MARAMING SALAMAT PO